Direk Joel naghahanap ng producer

Hindi lang sa pagdidirek ng Babangon Ako at Dudurugin Kita  busy si direk Joel Lamangan. Involved din siya sa Artist for Truth o Artista Para Sa Katotohanan na mag-i-issue ng statement sa nangyayari ngayon sa ating gobyerno.

Sama-sama rito ang buong entertainment industry, mula sa film, theater, dance, visual arts at iba pang sangay ng enterainment. May meeting noong isang araw ang grupo, hindi lang naka-attend si direk at may scheduled interview siya. “Basta, they’re planning something,” paniniyak nito.

May sinulat ding script si direk Joel na kung maisasa-pelikula’y tiyak na magiging kontrobersyal na, dahil tungkol sa mga taong bigla na lang nawawala. Sa title pa lang na Dukot parang sumisigaw na ng katarungan. Naghahanap ng producer si direk Joel na susugal sa project na ito’t between P4 to P5 million daw ang magagastos.

Samantala, hindi kinakitaan ng takot si direk Joel na ang  Babangon…, ang papalit sa  Marimar. Naniniwala siya sa project, sa kanyang cast at suportado ito ng GMA-7. Right time na sa kanya na ilagay sa primetime si Yasmien Kurdi, dahil bukod sa mataas ang rating ng afternoon soap nito, dapat na ring mag-discover ng ibang artista ang network.

* * *

Pinansin ng press ang billing ng  Supah Papalicious ng Star Cinema dahil una ang pangalan ni Makisig Morales kay Valerie Concepcion at walang “and” bago ang name ng actress. Okey lang siguro ito sa actress at sa kanyang manager, dahil wala kaming nadidinig na reklamo.

Solo naman ng pangalan ni Vhong Navarro ang second line at mas malaki ang letra ng pangalan niya sa mga kasama.

Malinaw sa mga sagot nina Vhong at Valerie na walang ligawang nangyari sa kanila at kung may ligawan man, ito ‘yung time na kinukumbinse ng una ang huli na tanggaping maging leading lady niya.

Sa dressing room pa raw ng Wowowee niya ito pinuntahan at natsismis pa nga siyang bumibisita sa actress sa dressing room.

Sa March 22, Black Saturday showing ang pelikula sa direksyon ni Gilbert Perez. (Nitz Miralles)

Show comments