Dati maraming nagtatanong kung ano na ba ang nangyari sa career ni Kim Chui. Bakit daw bigla siyang nawala sa eksena.
Ngayon siguradong magri-rejoice ang mga fans ni Kim dahil siya ang napili para sa local version ng My Girl, ang Korea novela na sumikat sa bansa. Mangiyak-ngiyak nga si Kim nang i-announce na siya ang bida sa bagong tele-novela ng ABS-CBN.
Matagal-tagal din kasing hindi napanood sa prime time si Kim after ng movie nila ni Gerald Anderson noon na hindi ko ma-recall ang title. Kaya naman halos ‘di makapagsalita si Kim nang malaman niya for the first time ang nasabing project.
Si Kim ang isa sa produkto ng Dream Big Kapamilya - as winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition na ang bagong edition ay magsisimula na ring mapanood hosted by Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez and Bianca Gonzales plus Luis Manzano this time.
* * *
Personal choice pala ni Vhong Navarro na maging leading lady sa Supah Papalicious si Valerie Concepcion under Star Cinema. Bagay daw kasi kay Valerie ang role dahil sa pagiging hot mama nito.
Suwerte si Valerie kung tutuusin dahil box-office hits lahat ang pelikulang ginawa ni Vhong - kumita ng mahigit P100 million.
And this time, hindi lang isa, kundi apat na iba’t ibang characters ang gagampanan ni Vhong.
“Nang ibinigay sa akin ang project na ‘to, hindi na ako nagdalawang isip, ginawan ko talaga ng paraan sa schedule ko. Kasi nung mabasa ko ang material natatawa na ako, paano pa kaya kung si Vhong, riot na talaga!” kwento ni Direk Gilbert Perez.
Proud na proud din si Vhong sa mga nakasama niya sa pelikula dahil ibang klase raw talagang katrabaho sina Makisig Morales at Valerie! “Alam mo ‘yang si Makisig, parang batang matanda, kasi ang bilis mag-isip, kapag mag-aaral na ng role talagang focus, at ang comic timing, the best! Si Valerie naman, first time kong maging leading lady, tapos mabilis din sa comedy, at siyempre ‘di mo naman maikakailang ang sexy at ganda talaga.
Palabas na ang Supah Papalicious in over 150 theaters ngayong March 22.