^

PSN Showbiz

Lani nag-sorry kay Ruffa

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Nag-apologize na si Lani Mercado sa issue ng isnaban at dedmahan nila ni Ruffa Gutierrez na ngayon ay lumaki na nang lumaki ang issue at ang pinagsasabong na ay sina ‘Nay Lolit Solis and Tita Annabelle Rama.

Say ni Lani bago ito umalis papuntang Amerika the other night nang mahagip ito ng mga reporter sa airport, nanghihingi na siya ng pasensiya at sinabi niyang kung may ganun mang nangyari ay hindi intentional. At nag-promise siya na oras na makita niya si Ruffa, siya na ang unang babati.

Oh ayan, siguro naman enough na yun para matapos na ang issue sa pagitan nila ‘Nay Lolit at Tita Annabelle.

Malalim ang kanilang pinagsamahan bilang magkaibigan at sooner or later, magkikita at magbabatian din sila. Kaya sana naman, matapos na ang issue.

* * *

Buti na lang at super-bantay ang security personnel ng Araneta Coliseum sa audience kung hindi, palagay ko hindi masusulit ang bayad ng nasa patron ng concert ng Maroon 5 the other night.

Eh kasi ba naman, naging habit na yata ng maraming concertgoers na once na mag-start ang con­cert particularly ng international artist, nagtatayuan na sila sa chair. Promise, pag-start pa lang, ayun nagsasampahan na sa  chair na supposedly ay upuan lang.

Kaya ang tendency, yung nasa bandang huli ng Patron section, ayun wala nang makita. Hindi naman lahat, gustong manood na nakatayo sa chair.

Sa concert ng Maroon 5, hindi umubra ang mga bagets na nagtayuan pag-start ng concert. Nilalapitan sila isa-isa ng security personnel ng Araneta para pababain sa upuan. Wa rin epek yung mga nagtatakbuhan sa unahan dahil pinababalik sila sa kani-kanilang upuan.

Anyway, mayayaman ang market ng Maroon 5. Yung mga Ingliserang kolehiya na mga mukhang nagpa-parlor pa bago nanood ng concert ang majority sa nanood.

Kung sabagay, hindi naman sila makaka-afford na bumili ng ticket dahil almost P10,000 ang ticket prize sa patron. ‘Yung isa ko ngang friend, Lynette she bought 2 tickets almost P20,000 ha. Pero hindi pa sila sa front row.

Kung sabagay, minsan lang kasi magko-concert sa bansa ang Maroon 5 at sikat pa sila sa international scene kaya siguradong mahal din ang talent fee nila. Kaya naman jampacked ang Araneta.

Ang dami ring nanood na artista. Si MMDA Chairman Bayani Fernando, nakita namin dun. Hmmm, naka-relate kaya si Chairman Bayani kasama ang wife niyang mayor sa pop/rock music ng Maroon 5?

Of course, kinanta nila lahat ang mga hit songs nila like Won’t Go Home Without You, Makes Me Wonder, Wake Up Call, Harder To Breathe, Sunday Mornings, This Love, Makes Me Wonder among others.

Actually, medyo nabitin kami kasi almost an hour lang ang concert. After almost 10 songs, nag-thank you na ang grupo. Pero walang gustong umalis sa audience. As in sigaw sila nang sigaw ng more kaya walang choice ang grupo kundi bumalik lalo na nga’t hindi pa nila nakakanta ang She Will Be Loved na isa sa marami nilang hit songs.

Actually, ganito rin lang kahaba ang concert ng Pussycat Doll noon.

After Maroon 5, si Madonna at Justin Timberlake ang darating sa bansa para mag-concert. Pero mas mauuna si Mandy Moore sa March 12 sa Eastwood Libis.

Sayang si Celine Dion. Magko-concert siya sa Macau. Sana dumiretso siya sa Pilipinas. Usually, nagsa-sidetrip ang mga foreign artist sa bansa pag may schedule silang concert sa kalapit bansa natin.

* * *

Totoo ba ang kumakalat na bulung-bulungan sa industriya ng musika na di umano’y may isang vocalist at front-man ng isang sikat na banda ang nagpa-planong gumawa ng isang paglipat? Iba na raw ang kanilang trip. Ang nakakapagtaka, matagal  nang sikat ang bandang ito. Sa katunayan, hit na hit nga ang mga kanta nila. So ano naman itong naririnig naming gusto niyang sumubok ng bago?   

May kinalaman kaya ang kanyang paglipat upang sumunod din sa trip na ito ang mga miyembro ng iba pang mga sikat na banda? Lahat sila’y napapabalitang may susubukang kakaiba.

Nakita raw umano ang mga tinutukoy na band members na magkakasama habang nag-eensayo ng isang kanta. Kaya mukhang totoo na nga ang mga bali-balita. Sinu-sino kaya ang mga ito? Ano kaya ang kanyang mga dahilan? Saan hahantong ang usap-usapang maglilipatan na sila? Ito na kaya ang simula ng malaking pagbabago?

Wala namang masama sa pagiging bukas sa mga bagong ideya at karanasan basta’t para ito sa mas magandang himig at musika. Tutukan na lang natin kung ano itong usap-usapang lipatan. Siguradong kating-kati na kayong malaman kung sinu-sino sila. Malapit na silang pangalanan. Abangan!

CONCERT

KAYA

MAKES ME WONDER

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with