SEEN: Ilan lamang sina Rufa Mae Quinto, Marvin Agustin, Isabel Oli at Paolo Contis sa mga celebrity na nanood ng second night concert ni Ne-yo sa Araneta Coliseum.
SCENE: Nagkatulungan, nagkagamitan. Linggo nang i-announce ni Regine Velasquez sa SOP na mananatili siyang Kapuso. Kahapon, Lunes, si Regine ang special guest sa taped episode ng Boy & Kris. Smart move, ABS-CBN. Nalito ang mga tao na hindi alam na taped ang programa na natunghayan nila kahapon.
SEEN: Iniukol sa pagbabalik ni Regine sa SOP ang buong oras ng show noong Linggo. Over-kill. Isang linggo lang na hindi nag-report si Regine sa SOP, hindi isang buwan o isang taon. Bumaha ng luha ng kasiyahan ngunit hindi sapat ito para malimutan ng mga tao na si Regine ang gumawa ng kanyang sariling problema dahil sa pagnanais niya na maging bida ng Betty La Fea. May mahalagang aral na natutunan si Regine.Tumingin muna bago tumalon.
SCENE: Hindi sumama si Gretchen Barretto kay Tonyboy Cojuangco nang magpunta ito sa Amerika noong Sabado. Lumakas ang duda na may katotohanan ang mga balita na may problema sa kanilang relasyon. Kailan ba nawalan?
SEEN: Cover ng isang magazine si Onemig Bondoc at ang kanyang baby girl. Taglay pa rin ni Onemig ang kanyang matinee idol look.
Sa kasamaang-palad, hindi nakatulong ang kaguwapuhan ni Onemig upang matupad ang kanyang pangarap na maging sikat na artista.
Private citizen na si Onemig. Tinanggap na niya ang realidad na wala siyang talento sa pag-arte.