SEEN: Ipinamalas ni Valerie Concepcion sa presscon ng Slenda ang kanyang pagsayaw na ginawa sa TVC ng produkto. Nagkaisa ang mga reporter sa kanilang opinyon na mala-Marimar ang sayaw at movements ni Valerie. Kailangan ni Valerie ng choreographer na magtuturo sa kanya ng bagong dance steps upang hindi ikumpara ang pagsasayaw niya sa sayaw ni Marimar.
SCENE: Si Charo Santos-Concio ang bagong presidente ng ABS-CBN. Malaking hamon ang naghihintay kay Charo dahil kailangan niyang mapatunayan na karapat-dapat siya sa puwesto. Ang maibalik ang ABS-CBN bilang nangungunang TV network sa Pilipinas ang malaking challenge kay Charo.
SEEN: Nagpalagay ng tattoo sa kanang bahagi ng kanyang leeg ang aktres at beauty queen na si Maggie Wilson. Madalas na nakatali at nakataas ang buhok ni Maggie para makita ng mga tao ang kanyang tattoo. Hindi bagay kay Maggie ang tattoo dahil nagmistulang marumi ang kanyang leeg.
SCENE: Magkasabay na nag-umpisa sa showbiz sina Christopher de Leon at Phillip Salvador ngunit parang napakalayo ng agwat ng kanilang mga edad. Napansin ito ng Seen/Scene sa mga eksena nina Christopher at Phillip sa Maging Sino Ka Man. Mas mukhang bata si Christopher. Maaaring napabilis ang pagma-mature ng mukha ni Phillip, bunga ng mga pagsubok na naranasan niya sa mga nakalipas na taon.
SEEN: Magkasama na nanood ng concert ni Neyo sa Araneta Coliseum noong Biyernes sina Will Devaughn at Riza Santos. Namataan din ng PSG (Pilipino Star Gossip Group) sina Andrew Wolff, Carlos Agassi at si....Neyo.
Maagang natapos (10:30 p.m) ang concert ni Neyo. Dismayado ang ibang nanood dahil patapos na ang concert nang makarating sila sa Araneta Coliseum. Naipit sila sa matinding trapik sa Edsa (North bound) kaya limang kanta na lang ni Neyo ang kanilang naabutan at napanood.
SCENE: Hahanga ang PSG kay Rustom Padilla kung magkakaroon ito ng lakas ng loob na pangalanan sa kanyang bio-film ang aktor na nakarelasyon niya. Kung magagawa ito ni Rustom, may dapat ipangamba ang aktor na minsan ay minahal niya.