Jennylyn may fight routines kahit buntis
Mabuti na rin siguro ang nangyaring wala nang relasyon sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia. Sa bibig mismo ni Jennylyn nanggaling ito, sa presscon ng kanyang pelikulang Half-Blood Samurai na kung saan ay leading lady siya ng Hapones na si Jacky Woo.
Bagaman at ayaw nang detalyihin ni Jennylyn ang paghihiwalay nila ng ama (?) ng kanyang ipinagbubuntis at sa halip ay sinabi niyang gusto na niyang mag-move on, bakas pa rin sa kanyang mukha ang kalungkutan na pilit niyang itinatago sa likod ng masayang pakikiharap at malugod na pagtatanong ng media.
Jennylyn should be thankful na understanding ang kanyang leading man na kahit napagbibintangang ama ng kanyang dinadala ay nagagawa pang daanin sa biro ang sitwasyon pero, feel mo ang sinseridad niyang makatulong sa kanyang kapareha. Kaya marahil nabiro ni Jennylyn na kukunin niya itong ninong ng kanyang isisilang nang oohan nito ang tanong kung susuportahan niya ang bata.
Tama lamang ang pasya ni Jennylyn na mag-move on. She should rise from her mistake and be thankful na hindi sila ikinasal ng ama ng kanyang anak. Mas masama yung kasal na sila saka nagkaroon ng panibagong problema. Hindi siya ang unang babae na nagbuntis ng walang asawa. Dapat lang na matuto siya sa kanyang naging pagkakamali.
Sa March 5 na ang showing ng pelikula nila ni Jacky Woo na kung saan ay nagpamalas ng kanyang bagong talento ang Hapones. Bukod sa pagdidirek sa pelikula at paggawa ng script nito, sumayaw din siya sa pelikula na aniya ay pamamaraan niya ng pagpapakita ng kanyang emosyon.
Kahit buntis, binigyan din ng fight routines si Jennylyn sa movie.
* * *
Binatilyo na ang ilang beses ko nang nakakasabay tumanggap ng award na si Miguel Aguila, ako bilang Gintong Ina for Journalism at siya bilang best young performer. Isa rin siyang commercial print model, movie & TV child star at dancer.
Gumawa si Miguel ng isang self-titled album sa Warner Music Philippines na naglalaman ng mga remake ng mga classic songs tulad ng Sway, Mona Lisa, La Vie En Rose, Somewhere Over the Rainbow, Warrior is a Child, ang carrier song na Someone in the Dark.
- Latest