Mariel at Zanjoe sa Tagaytay

SEEN: Magkasama sa Tagaytay sina Mariel Rodriguez  at Zanjoe Marudo pagkalipas ng Valentine’s Day. Ang Tagaytay date nina Mariel at Zanjoe ang ebidensya na nagkakamabutihan sila.

SCENE: May kalabuan ang mga sagot ni Regine Velasquez  sa panayam sa kanya ni Boy Abunda  sa The Buzz. Hindi nakuha ng PSG (Pilipino Star Gossip Group) ang wastong kasagutan sa tunay na ugat ng pag-alis niya sa SOP. Paulit-ulit si Regine sa pagsasalita na jobless siya ngunit kagustuhan niya ang nangyari. Hindi siya pinaalis sa SOP. Siya ang kusang nagpaalam.

SEEN: Magkaiba ang kuwento ng dalawang tagahanga tungkol kay Jake Cuenca  na nakasalamuha nila sa Podium Mall. Suplado at hindi accommodating si Jake ang obserbasyon ng isang fan. Mabilis daw maglakad at parang ayaw ni Jake na magpakuha ng litrato sa mga tao.

Accommodating at magalang si Jake dahil ito pa ang nagpasalamat sa fans na nagpalitrato na kasama niya ang kuwento ng tagahanga na ayaw paniwalaan ang naunang kuwento. Hindi dapat kalimutan ng fans na mga tao rin ang mga artista. May mood swings din sila. Maaaring nagmamadali si Jake sa paglalakad dahil may mahalagang appointment pa siyang hinahabol.

SCENE: Malabnaw ang pahayag ni Jessica Rodriguez  tungkol sa kaso na isinampa laban kay David Bunevacz  ng kanilang mga business partner sa Beverly Hills 6750. Hindi niya nilinaw na P1.8 million at hindi P18M ang sinisingil mula sa kanyang asawa ng kanilang mga business partner. Kung sinabi ito ni Jessica, pihadong naliwanagan ang mga tao na naniwala noon sa unang balita na P18M ang nadispalko ni David mula sa kaban ng  Beverly Hills 6750. Nakalagay sa reklamo na isinampa sa korte ng mga business partner na P1.8M lamang ang ipinababalik nila kay David.

SEEN: Sinisisi ni Cristine Reyes  ang ibang tao na pinagbibintangan niyang nang-iintriga sa relasyon nila ni Dennis Trillo. Ang sarili ang dapat sisihin ni Cristine. Kung naging matapat siya, hindi kukuwestyunin ng mga reporter ang kanyang kredibilidad.

Show comments