Mariel at Zanjoe sa Tagaytay
SEEN: Magkasama sa Tagaytay sina Mariel Rodriguez at Zanjoe Marudo pagkalipas ng Valentine’s Day. Ang Tagaytay date nina Mariel at Zanjoe ang ebidensya na nagkakamabutihan sila.
SCENE: May kalabuan ang mga sagot ni Regine Velasquez sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz. Hindi nakuha ng PSG (Pilipino Star Gossip Group) ang wastong kasagutan sa tunay na ugat ng pag-alis niya sa SOP. Paulit-ulit si Regine sa pagsasalita na jobless siya ngunit kagustuhan niya ang nangyari. Hindi siya pinaalis sa SOP. Siya ang kusang nagpaalam.
SEEN: Magkaiba ang kuwento ng dalawang tagahanga tungkol kay Jake Cuenca na nakasalamuha nila sa Podium Mall. Suplado at hindi accommodating si Jake ang obserbasyon ng isang fan. Mabilis daw maglakad at parang ayaw ni Jake na magpakuha ng litrato sa mga tao.
Accommodating at magalang si Jake dahil ito pa ang nagpasalamat sa fans na nagpalitrato na kasama niya ang kuwento ng tagahanga na ayaw paniwalaan ang naunang kuwento. Hindi dapat kalimutan ng fans na mga tao rin ang mga artista. May mood swings din sila. Maaaring nagmamadali si Jake sa paglalakad dahil may mahalagang appointment pa siyang hinahabol.
SCENE: Malabnaw ang pahayag ni Jessica Rodriguez tungkol sa kaso na isinampa laban kay David Bunevacz ng kanilang mga business partner sa
SEEN: Sinisisi ni Cristine Reyes ang ibang tao na pinagbibintangan niyang nang-iintriga sa relasyon nila ni Dennis Trillo. Ang sarili ang dapat sisihin ni Cristine. Kung naging matapat siya, hindi kukuwestyunin ng mga reporter ang kanyang kredibilidad.
- Latest