Kahit supporting role lamang ang papel ni Sheena Halili sa Marimar bilang low IQ loyal friend ni Angelica (Katrina Halili), markado ito at maganda ang kanyang exposure.
Nung nakaraang Miyerkules ng gabi, si Katrina ang naging lead star ng comedy-reality show na Kung Ako Ikaw ng GMA-7 hosted by Joey Marquez at Keempee de Leon dahil siya ang sinang-ayunan ng Bisor (supervisor) at mga text votes bilang pinakamagaling na manggagawa bilang billboard installer at nakapag-uwi ng premyong P100,000 cash.
Tuwang-tuwa siyempre si Sheena dahil all-out ang kanyang ipinakitang trabaho kahit ang kapalit nito ay hirap at kasama na rito ang delikadong pag-akyat sa matataas at malalaking iron posts na pagkakabitan ng mga billboards.
Nang makuha ni Sheena ang P100,000 pesos, ang pakiramdam niya ay para siyang tumama ng sweepstakes.
Ang Kung Ako Ikaw ay napapanood mula Lunes hanggang Miyerkules ng gabi pagkatapos ng Coffee Prince.
* * *
Kung uso sa showbiz ang hiwalayan hindi lamang between couples kundi sa magkakaibigan din, uso pa rin dito ang pagbabalikan, pagkakabati o reconciliation.
For a while, naging item sina Direk Lino Cayetano at ang panganay ni megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion. Hindi man umamin publicly ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon na nauwi ito agad sa hiwalayan.
Clueless ang publiko kung ano ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay dahil parehong ayaw mag-comment sina Direk Lino at KC. Nalaman na lamang na hiwalay na sila nang magsimulang ma-link si KC sa Kamandag star na si Richard Gutierrez at si Direk Lino naman ay nakitang kasama ang ex-girlfriend nitong si Bianca Gonzales sa Singapore.
Wala ring tahasang pag-amin sa pagitan nina Dennis Trillo at Cristine Reyes na naudlot ang relasyon dahil sa gulong nangyari sa pagitan nina Dennis at dati nitong karelasyon at ina ng kanyang anak na si Carlene Aguilar.
Ngayong naayos na ni Dennis ang gusot nila ni Carlene, mukhang matutuloy na ang pansamantalang naudlot na relasyon nina Dennis at Cristine. Katunayan, ang dalawa ang magka-date nung Valentine’s day.
* * *
Kung pumaimbulog sa kasikatan ang The Hunks ng Star Magic noon na binubuo nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Diether Ocampo, Carlos Agassi at Bernard Palanca, isang all-female counterpart naman ang binuo ng Star Magic na kanilang tinaguriang Koolchx.
Ito’y binubuo ng anim na miyembro na kinabibilangan nina Nina Dolino, Gemma Fitzgerald, Malaya Lewandowski, Michelle Murenec, Cassandra Ponti at Princess Ryan.
Si Gemma Fitzgerald ay half-Pinay at half Australian na dating aspirant ng Pinoy Dream Academy. Dati rin siyang commercial model bago naging isa sa mga Tadjocks host ng Wazzup, Wazzup. Si Malaya Lewandowski ay naging MYX VJ sa North America.
Si Michelle Murenec ay half-Australian at half Pinoy at isa ring aspirant ng PDA tulad ni Gemma. Naging finalist din siya sa U Can Dance 2. Si Princess Ryan naman ay dating Bora girl.
Bukod sa acting, naipamalas din niya ang husay sa pagsayaw at pagkanta. Kamakailan lamang ay siya ang nahirang na Ms. Bikini Philippines International.
Ang pang-anim na miyembro ng Koolchx ay si Cassandra Ponti na napabilang sa Top 4 ng PBB. Paglabas niya ng PBB house ay naging instant celebrity siya.
Sa anim na miyembro ng Koolchx na pawang mestisa, stand-out sa amin ang exotic beauty ni Cass na kailangan lamang i-polish ang kanyang pagsasalita dahil lumalabas ang kanyang Visayan accent.
Sa kabuuan, mukhang may mararating ang all-female group dahil bukod sa lahat sila ay magaganda, pare-pareho silang may talent sa pagkanta at pagsayaw bukod pa sa mga sexy sila.
* * *