For a change Kristine biglang naging sosyal

I’m sure maraming girl groups ang matsa-challenge kundi man mt-threaten sa pagsulpot ng Koolchx, isang all female sing & dance group na may anim na miyembro, lahat may kanya-kanyang sariling career.

Si Nina Dolino, isang commercial model naging Wazzup Wazzup  Tadjocks hosts. Huli siyang napanood sa Your Song bilang kapareha ni Sam Milby at Lastikman bilang kaibigan ni Saicy Aguila. Siya ay 25 years old.

Unang nakilala bilang Pinoy Dream Academy aspirant si Gemma Fitzgerald, marunong kumanta’t sumayaw at nakita sa cover ng UNO Magazine. Twenty two  years old ang half Pinay half Australian.

Half Australian half Pinoy din at dating aspirant ng Pinoy Dream Academy and 23 years old na si Michelle Murenec. Naging bahagi na siya ng mga ABS- CBN specials tulad ng Piolo Pascual concert, Kapamilya Christmas Special at naging finalist ng You Can Dance 2.

Bago pa siya napabilang sa Top 4 ng Pinoy Big Brother, kilala na ang pangalang Cassandra Ponti. Nakagawa na ng mga pelikulang Agent X44 at Shake Rattle & Roll at 26 years old na Davaoeña.

Pinakabata sa grupo sa edad na 18 si Princess Ryan, unang napanood sa seryeng Bora. Lumabas na rin siya sa Love Spell, Maalaala Mo Kaya, ASAP at Wowowee. Siya ang kasalukuyang may hawak ng titulong Ms. Bikini Philippines. Sisimulan na rin niya ang isang gag show kasama si Kristine Hermosa.

Last but not the least, ang ika-6th member ng Koolchx ay ang 19 years old na si Malaya Lewandowski, half Polish half Pinoy, MYX VJ sa North America.

Pumunta ng Pilipinas three years ago si Malaya bilang premyo sa pagkakapili sa kanya bilang Miss Teen Filipina sa San Francisco. Sinamahan siya ng isang older brother na hanggang ngayon ay naririto pa rin, katulad niya.

Bago naging miyembro ng Koolchx si Malaya ay napasama siya sa Full Circle ng ASAP at naging member ng girl group na Hot Tsiks. Nung una ay hiyang-hiya siyang kumanta, napapaiyak pa siya kapag pinakakanta siya pero unti-unti ay nasasanay na siya.

Dalawang taon na ang relasyon nila ni Rafael Rosell na aniya ay understanding and trustworthy.

“He was the one who told me to do Maxim. I was unsure because I was so scared,” pagtatapat ni Malaya.

* * *

Maraming fans ni Kristine Hermosa ang worried at nagtatanong kung bakit pumayag siyang makasama sa My Big Love na alam ng lahat ay pelikula nina Toni Gonzaga at Sam Milby. Pero, ipinaliwanag ni Kristine na pelikula rin niya ang My Big Love at hindi lamang kina Sam at Toni. Ginagampanan niya ang role ng girlfriend ni Sam, isang mayaman na career oriented.

“Na-enjoy akong gawin ang movie dahil bagong putahe. Palagi na lang akong umiiyak sa mga pelikula ko’t TV show kaya nang dumating ang alok para rito, I welcome the change, definitely,” ani Kristine.

Itinanggi ni Kristine na boy­friend niya si Oyo Sotto. “Wala akong boyfriend. For a while na­ging driver ko si Oyo,” natata­wang sabi ng magandang aktres na umaming unang pag-ibig niya si Jericho Rosales at biggest love niya si Diether Ocampo.

Palabas na ang My Big Love sa Peb. 27. Ipalalabas din ito sa Micro­senia Mall Theaters sa Guam simula sa Peb. 29.

* * *

I’m sure interested kayong ma­la­man ang update tungkol kay Camille Prats who just gave birth. Mayroon din kay Jessica Rodriguez tulad ni Camille ay nasa US din.

Isang malaking palaisipan naman kung sino ang napapayag ng show na umupo sa Don’t Lie To Me portion.

Pero pinakamalaking istorya siguro ng SC ngayong hapon ang tungkol kay Marian Rivera na  gaganap ng Dyesebel.

* * *

veronicasamio@yahoo.com

Show comments