^

PSN Showbiz

Gretchen, mas napansin ang diyamante, kesa sa boses

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Isang impormante ang nagparating sa amin ng kuwento na pagkatapos ng SOP nung Linggo nang hapon ay bumaha ng luha sa dressing room ng programa. Pormal na raw kasing nagpaalam si Regine Velasquez sa kanyang mga kasamahan, masakit man sa loob ng Asia’s Songbird ang magpaalam sa istasyong matagal na panahon niyang pinaglingkuran ay kailangan na niyang magdesisyon, lilipat na si Regine sa ABS-CBN.

Nakaaalarma ang ganitong mga senaryo, umalis sa Siete ang mga poste nilang artista, una nang kumabilang-bakod si Angel Locsin na itinuturing nilang reyna at ngayon naman ay isa pang itinuturing nilang poste ang mawawala na naman para lumipat sa Dos.

Nung lumipat sa ABS-CBN si Angel ay sangkatutak na masasakit na salita ang ipinakain sa batang aktres ng mga taong hindi nagkagusto sa kanyang desisyon.

Pinalabas noon na walang utang na loob si Angel, na hindi ito marunong magpasalamat sa mga naitulong sa kanya ng Siete, matatag pa ring maituturing ang batang aktres dahil nalampasan nito ang mga ganung paghusga.

Ano naman kaya ang naghihintay na kapalaran kay Regine ngayong maugong na maugong na ang balitang magiging kontratadong artista na siya ng ABS-CBN?

Lumutang din kaya ang mga pasaring na wala siyang utang na loob, makatikim din kaya siya ng mga pamimintas, tulad ng nangyari kay Angel noon?

Isang taga-Siete mismo ang minsang nagsabi, hindi na raw nakapagtataka kung meron mang mga taga-GMA-7 na naglilipatan sa Dos, meron daw kasing tinititigan at tinitingnan lang sa nasabing bakuran.

* * *

Ginanap ang album launch ni Gretchen Barretto sa ASAP ’08, napaka-eleganteng tingnan ng aktres habang kumakanta siya, maraming nagulat dahil marunong daw palang kumanta si Greta.

Maraming hindi nakakaalam na hindi naman pagiging aktres ang unang pangarap ni Gretchen, nung magsimula siya sa pag-aartista sa pamamagitan ng pelikulang 14 Going Steady ng Regal Films ay madalas niyang sabihin, gusto niyang maging singer.

Naging co-host siya ni German Moreno nang matagal na panahon, dun ibinuhos ni Gretchen ang katuparan ng kanyang mga pangarap, kumanta siya nang kumanta hanggang sa nahasa naman ang kanyang boses.

Pero hindi ang piyesa ni Gretchen ang napansin ng manonood nung nasa ASAP ’08 siya, kundi ang nagkikislapan niyang alahas, nagsasalimbayan ang kinang ng kanyang hikaw habang kumakanta siya.

Komento ng tumawag sa amin, “Alam ko ang reason kung bakit isinuot ni Gretchen ang malalaki niyang alahas, pangontra yun sa kuwentong lumabas na nung palayasin siya ni Tonyboy Cojuangco, e, wala siyang nadalang mga alahas niya.

 “Parang sinasabi niya na ‘Hey, guys! I’m here! Malalaki pa rin ang mga alahas ko, kaya mamatay na lang kayo sa inggit diyan!’ Parang ganun ang gusto niyang sabihin dahil grabe ang kinang ng hikaw niya, mas papansinin mo nga yun kesa sa boses niya, e!” komento ng aming kausap.

Ang komento ng aming kausap ay kinumpirma ni Gretchen nung magkaroon siya ng one-on-one interview kay kaibigang Boy Abunda sa The Buzz kinahapunan.

Sinabi ni Gretchen na walang katotohanan ang kuwentong lumabas na pinalayas siya ni TBC sa kanilang bahay at wala raw siyang nakuhang mga kagamitan niya kasama na ang kanyang mga alahas.

Pakomedyang sinabi ng aktres na sinadya niyang magsuot ng magagarang alahas para mapahiya ang mga taong nagkalat nun, ipina-close-up pa niya ang kanyang branded na pulang sapatos na sabi nga ng mga nakausap namin ay hindi na sana ginawa pa ni Gretchen, dahil lalo lang lumutang na defensive siya sa isyu.

ANGEL LOCSIN

BOY ABUNDA

GRETCHEN

NIYANG

SIETE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with