May dapat bang pagsisihan si Angel?

Nagsisisi ba si Angel Locsin sa kanyang paglipat sa ABS-CBN?

Hindi naman siguro, mali lamang siguro yung interpretasyon ko sa isang nabasa kong artikulo na kung saan ay sinabi niyang nakisama na lamang siya sa desisyon ng kanyang kagalit ngayong manager nang ialis siya nito’t ilipat ng ibang ‘bahay.’

After all what is said and done, wala na siyang dapat sabihin pa at pangatawanan na lamang kung sakali ang lahat niyang ginawa para sa ikatatahimik niya. Tutal maayos naman siyang inaalagaan ng kabila.

* * *

Si Jennylyn (Mercado) din dapat, pinangangatawanan ang nang­­yari sa kanyang buhay. Hindi siguro sila para sa isat’t isa ni Patrck (Garcia). Mabuting ma-realize nila ito habang di pa sila kasal, dahil kung nangyari ito nang kasal na sila, wala nang uru­ngang mangyayari.

Dapat mangyari ay she should learn from her mistakes at iwasang maulit pa ito.

* * *

 Marami ang nakakapansin na gumagaling nang artista si JC de Vera. Dun daw sa confrontation scene nila ni Richard Gutierrez sa My Bestfriend’s Girlfriend, nagawa niyang mapaangat ang kanyang acting kahit ang focus was on Richard na siyang bida ng movie. Dapat sigurong pasalamat si JC sa sunud-sunod niyang proiects dahil talagang nahasa na siya.

* * *

May bagong Mangaserye ang GMA Network, ang Devil Beside Me starting Feb. 18, Lunes hanggang Biyernes 4:45 NH tampok ang mga Asian heartthrobs na sina Mike He at Rainie Yang. Tungkol sa isang babaeng siya pang nagtapat ng kanyang damdamin sa lalaki sa pamamagitan ng isang sulat. O di ba kaabang abang na naman? Ngayong magtatapos na ang istorya nina Arthur at Andie, meron na namang kasunod ang GMA 7.

Show comments