Rufa Mae may bago nang dyowa
Natutuwa sina Joey Marquez at Keempee de Leon, hosts ng Kung Ako Ikaw na napapanood mula Lunes hanggang Miyerkules ng gabi bago ang Saksi na kahit late nang napapanood ang kanilang programa ay hindi pa rin ito nagpapahuli sa rating. Katunayan, natatalo ng KAI ang mga katapat nitong programa kaya natutuwa ang dalawang comedy hosts at maging ang pamunuan ng GMA.
Nakakatuwa nga namang panoorin ang ating mga kilalang celebrities na gumagawa ng mahihirap na trabaho na kahit minsan ay hindi nila inisip at naranasang gawin. Nabibigyan din ng importansiya ang mga tunay na manggagawa na kahit mahirap ang kanilang trabaho ay isa itong marangal na hanapbuhay at pagkakakitaan.
Lunes at Martes ng gabi ay ipinapakita ang mahihirap na tasks na ipinapagawa sa mga guest celebrities ng mga totoong manggagawa. Pagdating naman ng Miyerkules ng gabi ay doon huhusgahan ang kahusayan na ipamamalas ng mga celebrity manggagawa sa pamamagitan ng mga text votes at sa tulong na rin ng bisor.
Isandaang libong peso ang naghihintay sa pinakamagaling na celebrity manggagawa at may nakalaan ding malaking premyo sa tatayong bisor.
* * *
Ngayong nasa bakuran na ng ABS-CBN ang pinakabagong ‘showbiz princess’ na si KC Concepcion, hindi malayong makatrabaho nito ang most popular young actors ng Kapamilya Network hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa pelikula tulad nina Piolo Pascual, Sam Milby, Luis Manzano, Ryan Agoncillo, Diether Ocampo, Jericho Rosales at iba pa. Pero naunahan na sila ni John Lloyd Cruz dahil siguradong siya na ang leading man ni KC sa unang movie project niya sa Star Cinema.
Wish din ni KC na makatrabaho ang kanyang mommy (Sharon Cuneta) sa pelikula.
Excited si KC sa kanyang pagpasok sa showbiz sa tulong ng ABS-CBN dahil 22 taon nga naman ang kanyang hinintay bago niya na-realize ang kanyang pangarap na mag-artista tulad ng kanyang equally popular parents na sina
* * *
Ngayong tila malamig na ang nabuhay na intriga sa pagitan kina Rufa Mae Quinto at Jessa Zaragoza nang dahil kay Dingdong Avanzado, mukhang balik-sigla na naman ang lovelife ni Peachy (palayaw ni Rufa Mae) matapos ang kanilang year-long relationship ng singer na si Erik Santos.
Totoo nga kayang muling nakahanap si Peachy ng bagong mamahalin sa katauhan ng isang foreign executive na nagngangalang Bob Lopez na siyang ka-date niya sa birthday party ng concert producer na si Daisy Romualdez?
Ang balitang ito ay ayaw pang kumpirmahin ni Peachy although open siya sa anumang mangyayari dahil may ilang buwan na rin siyang loveless magmula nang sila’y magkahiwalay ni Erik noong isang taon.
* * *
E-mail: [email protected]
- Latest