Angel/ Becky galit-bati

Maraming nagtatanong sa akin kung galit ba si Angel Locsin sa kanyang manager na si Becky Aguila.

Sa isang interbyu, nilinaw ng magandang aktres na hindi totoong nilayasan na nito ang manager.

“Siya pa rin po ang aking manager. Nakakahiya naman po sa kanya.

Wala naman pong perpekto sa isang relasyon dahil minsan di maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan,” aniya.

Ipinaliwanag din ni Angel na binibigyang halaga pa rin nito si Becky at hindi naman siya dumidirekta sa ABS-CBN.

Sa kabilang banda, maganda ang takbo ng Lobo kung saan mapapanood kung paano pinaghirapan ni Angel ang papel na ginagampanan.

* * *

Nagpapasalamat si Ogie Alcasid sa mga magulang ni Regine Velasquez dahil sa kabaitan at pagiging maunawain nila sa kanya. Kaya naman daw hindi kataka-taka kung lumaking mabait si Regine dahil sa maganda ang pagpapalaking ginawa nito sa kanilang anak.

Masaya ang pagdiriwang nina Ogie at Regine ng Valentine’s Day dahil this time, wala na silang itatagong relasyon. May show sa Iloilo si Ogie at baka isama niya roon ang kanyang mahal.

* * *

Nasa ikalawang linggo na ang Cloverfield na punung-puno ng suspense. Nag-number one ito sa Amerika kaya kahit dito sa bansa ay hinahangaan din ng mga manonood.

Mula sa prodyuser na si JJ Abramas, writer na si Drew Goddard at direktor na si Matt Reeves tampok ang mga bituing sina Michael Stahl-David, Mike Vogel, Jessica Lucas at Lizzy Captain.

Ipinamamahagi ito ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.

Show comments