BFGF dinumog sa 2 sinehan

Kapag pumatok ang My Bestfriend’s Girlfriend, sina Richard Gutierrez na at Marian Rivera ang tatanghaling bagong tandem. Mas maswerte si Marian dahil hindi lamang sa maliit na screen siya magri-reyna, mamamayani na rin siya sa puting tabing.  Nakow, matutuwa ang mga tagahanga nila. Pareho naman silang walang sabit sa kasalukuyan, walang masasaktan kapag na-in love sila sa isa’t isa.

Maganda ang kemistri nilang dalawa. Kahit alam mong magkaibigan lang sila ay nakakakilig na ang mga eksena nila. Magagaling din ang support cast dahil nagawa nilang hindi sapawan ang dalawa, napalutang pa nila ang mga karakter na ginagam­panan ng mga ito. But this is not to say na hindi sila magagaling. Okay na okay si JC de Vera, ganundin si Ehra Madrigal na siyang boyfriend at girlfriend nina Richard at Marian sa movie.

Okay na okay yung bago pero hindi na pala talagang bago dahil one year ago, nakasama si Charize Solomon sa StarStruck top 20. First movie niya ang BFGF.

Bagaman at bilang na bilang ang eksena ni Pilar Pilapil, feel  mo pa rin ang presence niya.

Magandang Valentine movie ang BFGF dahil kuwento ito ng pag-ibig, maraming kilig moments na hindi napatungan ng mga nakatutuwa at nakatatawang mga eksena. Lalabas ka talaga ng sinehan na masaya.

Dalawang sinehan ang pinaglabasan ng red carpet premiere ng pelikula pero, apaw pa rin ang tao. First time ko yun na makapanood ng movie premiere na hindi ako makaraan sa rami ng tao.

Napatunayan na naman ng pelikula ang lakas ng hatak sa tao ni Marian. Tulad nun sa Bahay Kubo na isang all star cast pero, dinig na dinig mo ang paghiyaw ng mga tagahanga ng kanyang pangalan. Kinailangan din ng napakarami at napakalakas na security force para maialis sila sa McDonalds na kung saan ay nagkaroon sila ng presscon bago ang premiere showing at maihatid sila sa sinehan na paglalabasan ng kanilang pelikula.

Sa Peb. 13 na ang simula ng pagpapalabas ng My Bestfriend’s Girlfriend sa mahigit sa 100 sinehan.

Kung mag-asawa kayo, puwedeng dalhin ang mga anak dahil GP ang rating nito.  Kung magdyowa lang kayo (mag-bf o gf) puwedeng dalhin si madir o fadir para mas lalo kayong lumakas sa kanila, o kaya sina kuya at ate. Pero kung grupo-grupo kayong magkakaibigan, mas lalong enjoy manood dahil sabay-sabay kayong tatawa o kikiligin whatever the case may be.

* * *

Hangang-hanga talaga ako kina Christian Bautista at Rachelle Ann Go dahil sa kabila ng pangyayaring hindi na sila, as in split na, hiwalay na, wala  nang relasyon, nagagawa pa rin nilang makapagtrabaho ng parang sila pa rin. Kaya nga lahat ng rehearsals and practices na may kinalaman sa kanilang Ol 4 Luv concert na magaganap bukas sa Araneta Coliseum at kung saan ay makakasama nila sina Sarah Geronimo at Erik  Santos all went on smoothly, walang hassle.

“Talaga pong wala na kami but we’re still friends,” paliwanag ni Rachelle Ann na ayaw kong paniwalaan dahil para sa akin ang mga naghihiwalay na magkarelasyon, mag-asawa man o magkasintahan lamang ay hindi kapani-paniwala na maging magkaibigan uli, nag-uusap ng parang walang nangyari.

Para sa akin, ang ex-boyfriend or   ex-husband will always remain that—ex something.

Sina Christian at Rachelle, parang hindi naghiwalay,  marami pa rin silang shows together.

Sa 14, 15 at 16, may mga V-shows pa rin sila.

“Talaga pong wala na kami, hindi lang kami halata but it took me time to get over it, to move on.

“Wala po kaming pinagkagalitan, walang other people involved. Dumating na lang po ang time  that we both decided na  huwag na lang, hindi pa tama ang panahon,” dagdag pa ni Rachelle who promises na kung sa friendship nila ay walang nagbago, ganundin sa magiging performances nila sa Ol 4 Luv.

 

Show comments