Indie films sapaw na sapaw ang mainstream movies

Sa gagawing pagri-review ng PMPC para sa nalalapit nilang Star Awards for Movies, nagdagdag sila ng pitong kategorya sa Digital/Indie Films. Kung nung mga nakaraang taon ay sa best movies at directors lamang sila lumalaban, this year, kasali na rin sila sa mga technical awards, madalas silang manalo sa mga international film competitions.

Magandang pagkilala ito sa mas lumalaking market at mas dumaraming produkto ng Indie/Digital films. Dapat ding tandaan na ang karamihan sa mga ito ay nagbibigay ng karangalan sa bansa, sa marami nilang panalo sa mga inter­national film festivals.

Expected naman ang paglago ng Indie/Digital films. Bukod sa malaki ang kamurahan nito sa mga gina­gawa ng mga major film productions, mas maraming bagong pangalan ang gustong mag-venture dito dahil nagkakapangalan sa abroad. At kapag ang isang ganitong movie ay nag-uwi ng mga awards, pinapanood ito para lamang makita kung bakit ito nanalo at may karapatan ba itong manalo. Ang award ay nagbibigay din sa mga nanalo ng trabaho.

Tanggapin natin na dahil sa kahirapan ng bansa ay iilang mainstream films na lamang ang nagpo-produce. But because talagang survivor ang mga Pinoy, ang Indie/Digital films ay isang magandang alternatibo, nag-e-excel pa sila. Never pang nag-uwi ang mga local filmmakers ng maraming awards at recognitions na tulad ng ginagawa ng mga gumagawa ng mga Indie/Digital film.

* * *

Wala naman palang katotohanan yung tsismis kina Sarah Geronimo at Rayver Cruz. Kay Sarah mismo nanggaling ito. Wala raw kasing dahilan para sila i-link, never pa silang lumabas. Pero, natatandaan niya na minsan ay may nagtanong sa kanya kung sino ang crush niya, wala siyang binanggit na pangalan but when the name of Rayver was mentioned ay napangiti siya. Yun na!

Sarah is topbilling together with Erik Santos, Rachelle Ann Go and Christian Bautista, Ol 4 Luv, isang Valentine show na magaganap sa Araneta Coliseum sa February 13.

Sa apat, si Sarah pa lamang ang walang karanasan sa pag-ibig. Sa edad na 19, kailangan pa niyang ipagpaalam sa kanyang mga magulang ang sinumang lalaking gusto siyang maka-date. Pagdating niya ng 20 yrs. old, saka pa lang siya puwedeng lumabas nang hindi na kailangan pang magpaalam.

* * *

For the very first time, mapapanood natin sa Showbiz Central ang mga kaganapan sa ginagawang auditions ng GMA para sa Pinoy Idol. Makikita ang mga nakatutuwa, nakatatawa at nakakahiyang mga eksena ng mga nagnanais mapabilang sa malaking pa-contest na ito. Ibubuko sila nina Ogie Alcasid, Raymond Gutierrez, Jolina Magdangal at Wyngard Tracy.

Akala mo wala nang mang-iintriga kay Robin Padilla dahil matagal na rin siyang artista at may mga anak na siyang nag-aartista rin. Pero, sa kanya mismo manggagaling at ilalantad niya ang mga marka ng intriga sa kanya. Live na live ngayong hapon!

Akala ko ba si Jewel Mische ang gusto ni Richard Gutierrez at mayroong basketbolista si Marian Rivera? Eh ano itong aaminin kuno ng dalawa tungkol sa relasyon nila ngayong hapon sa Couples Edition ng Don’t Lie To Me?

May pakulo ang SC, tinatawagan nila ang mga lalaking may edad 21-30, makisig. May chance sila na maka-date ang seksing si Diana Zubiri ngayong Valentine. Ang tanging gagawin nila ay sumulat ng pinaka-romantic na love letter sa kanya. Isulat ang panga­lan, lakipan ng pinaka-gwapo mong picture at ipadala sa showbiz­central@gmanetwork.com Ia-anounce ni Diana ang swerteng lalaking mapipili niya sa Feb. 17, sa SC din.

* * *

veronicasamio@yahoo.com

Show comments