Bigatin ang bagong manliligaw (o boyfriend na?) ng young actress na si LJ Reyes. Mula ito sa pinakamayamang pamilya ng bansa, apo lang naman ni Henry Sy. Nag-aral din ito sa ibang bansa at dito ipinagpapatuloy ang pag-aaral ngayon at sa eskwelahang pareho nilang pinapasukan sila nagkakilala.
Sa sobrang bigatin ng angkan ng lalake, ipinasara nito ang skating rink na kanilang pag-aari, habang nag-i-skating sila ng actress at mga kaibigan nito. In fairness, malapit nang magsara ang skating rink nang pumasok ang grupo ng actress, kaya walang nawalang revenue that night, pero malaking bagay pa rin na walang ibang tao habang nag-i-skating ang actress at mga kaibigan nito.
Kahit nakikita na paminsan-minsan ang lalake, ayaw pa rin siyang pag-usapan ng husto ni LJ. Nahihiya siya sa pamilya nito’t baka akalaing ginagamit niya ang manliligaw para siya’y pag-usapan.
* * *
Walang keber si Iwa Moto kahit second choice siya sa role ni Dianne sa Joaquin Bordado, dahil si Cristine Reyes ang original choice sa role ng isang GRO na ma-i-involved kina Robin Padilla at Mark Herras. Basta, masaya siya’t after Zaido ay may bago na naman siyang show sa GMA-7. Kailangan niya ng regular income para pambili ng gamit sa ipinatayong bahay na kulang pa sa gamit.
Maraming sexy scenes si Iwa na ikagugulat daw ng viewers at may kissing scene siya kina Robin at Mark Herras na parehong ‘di pa nakukunan, kaya wala pa siyang maikuwento. Dahil walang boyfriend, all-out siya sa pakikipag-halikan sa dalawa’t walang magseselos.
Aywan kung nagbibiro, pero sabi ni Iwa, naghahanap siya ng boyfriend na guwapo at mayaman, kahit mas matanda sa kanya. Aba’y DOM na yata ang hanap ng dalaga! Pero hindi naman sinabi kung paano siya mako-contact.
* * *
Nakahanap ng kakampi si Rufa Mae Quinto sa away niya kay Jessa Zaragoza in the person of her Showbiz Central co-host Mo Twister. Naniniwala ang TV host na istorya ng buhay ng sexy comedienne ang sinabi sa Yes! Magazine at ‘di puwedeng baguhin.
Nakausap ng press si Mo sa presscon ng Goodtimes, ang radio show niya sa Magic 89.9 na mapapanood na sa Studio 23, 11:00 pm, simula sa February 26. Kasama pa rin niya rito sina Andi-9, Mojo Jojo at ang Koreana’ng si Grace Lee.
Masaya ang apat sa radio at mas masaya sila sa TV, dahil mapapanood na ang kanilang mga ginagawa. Nagtulong ang Magic 89.9 at Studio 23 para ihatid sa viewers ang kinagigiliwang radio show ng lahat at dahil late night ito, may time ang lahat para makapanood.
Inurirat sina Mo at Andi-9 sa natsismis nilang relasyon na pareho nilang itinanggi. Sabi ng una: “Andi and I are not together, we’re not a couple. However, if I have the time or opportunity to have a girlfriend, nasa top of the list that I will pursue, it would be Andi.”
Sabi naman ng pamangkin ni Edu Manzano (pero ‘di pa sila nagkikita), nami-misinterpret lang ang closeness nila ni Mo, pero friends lang talaga sila. “It doesn’t mean that we’re close, we’re together.”