Nagluluksa ang showbiz dahil sa pagpanaw kahapon ng entertainment columnist na si Billy Balbastro.
Kaibigan ko si Billy kaya nalungkot ako nang malaman ko ang nangyari sa kanya.
Malalim ang friendship namin ni Billy dahil isa siyang tunay na kaibigan, through thick and thin.
Nakaburol ang labi ni Billy sa 154 M..,L.Quezon Avenue Hagonoy Taguig City.
Ibuburol din siya sa isang punerarya pero di ko pa alam ang ibang detalye.
Nakikiramay ako sa mga naulila ni Billy. Ipagdasal natin ang kapayapaan ng kanyang kaluluwa. (Nakikiramay po ang buong staff ng PSN sa pagpanaw ni tito Billy na isang mabait na kaibigan at kasamahan sa panulat. Salamat Tito Billy. - SVA)
* * *
Hindi ko napanood ang 25th anniversary concert ni Martin Nievera sa Araneta Coliseum noong Sabado pero may nagkuwento sa akin na inabot ng tatlong oras ang show dahil ganadong-ganado sa pagpe-perform si Martin.
Nag-expect ang audience na darating si Pops para i-surprise si Martin pero walang Pops na lumitaw.
Parang umapir na rin si Pops dahil naroon ang kanilang mga anak na sina Ram at Robin.
Ang lalakeng walang pahinga ang tawag kay Martin dahil wala siyang pahinga sa kanyang three-hour show.
Sulit na sulit daw ang ibinayad ng mga tao kaya walang nagreklamo ng harang.