Nagkatotoong prediction kay Rica

Seen: Nakita sa Our Mother of Perpetual Shrine sa Baclaran  noong Miyerkules nang gabi si Dolphy. May nakapagsabi sa Seen/Scene na regular na nagsisimba sa Baclaran ang beteranong komedyante. Deboto ng Mother of Perpetual Help si Dolphy. Malapit ang tahanan nila ni Zsa Zsa Padilla sa Baclaran.

Scene: Maraming bigas pa ang kailangang kainin ni Isabel Oli para mapantayan niya ang mahusay na pagganap ni Lorna Tolentino sa Maging Akin Ka Lamang. Kulang na kulang ang akting ni Isabel sa TV remake ng pelikula ni Lorna. Hindi pa huli ang lahat. Halos kauumpisa pa lamang ng pang-hapon na programa ng GMA 7. May panahon pa si Isabel na paghusayin ang kanyang pag-arte.

Seen: Walang dating ang isyu tungkol sa love triangle nina Jake Cuenca, Roxanne Guinoo at ng baguhang artista na si Bangs Garcia. Maliwanag na promo sa Palos ang kanilang isyu. Tanging si Bangs ang nakikinabang dahil nagiging pamilyar ang mga tao sa kanyang pangalan at mukha ngunit hindi talaga makakatulong sa Palos ang love triangle issue nila nina Jake at Roxanne.

 Scene: Bago na ang teaser ng Lobo na ipinalalabas ng ABS-CBN. Kasama na sa plugging ng primetime series nina Angel Locsin at Piolo Pascual ang mga eksena nina Diether Ocampo, Sheryl Cruz, Agot Isidro at Bobby Andrews. Nakapanghihinayang ang nangyari sa TV career ni Sheryl dahil mula nang lumipat ito sa ABS-CBN, hindi pa siya nabibigyan ng mga challenging role. Noong nasa GMA 7 pa si Sheryl, top-rater ang mga programa na kasali siya.

Seen: Napahiya ang fans ni Pops Fernandez na nanglait nang husto kay Martin Nievera noong kainitan ng word war ng ex-couple. Napahiya sila dahil hindi nila inaasahan na makikipagkasundo rin si Pops kay Martin. Sa nangyari, natuto sila ng leksyon. Hindi na raw sila makikisawsaw sa away nina Pops at Martin dahil nawalan ng saysay ang mga pagtatanggol nila noon kay Pops.

Scene:  Kaliwa’t kanan ang mga write-up tungkol kay Rica Peralejo dahil sa pagiging saksi niya sa kaso ng libelo na isinampa nina Piolo Pascual at Sam Milby laban kay Lolit Solis.

Nagkatotoo ang prediction ng Seen/Scene na makakatulong kay Rica ang ginawa niya para mapag-usapan siya at magkaroon ng publisidad. Karapatan ng ina ni Rica na ipagtanggol ang kanyang anak ngunit hindi niya puwedeng iwaglit ang katotohanan na tama ang analysis ng Seen/Scene.

Show comments