Jomari happy sa pagbabati nina Martin at Pops

Nakatutuwa naman na marinig mismo sa bibig ni Jomari Yllana na natutuwa siya kung maging tuluyan na ang pagbabati nina Pops Fernandez at Martin Nievera.

“Alam kong nag-usap na sila at sana nga magkaayos na sila. Ako ang unang matutuwa kapag nangyari ito.

Maganda ito hindi lamang para sa kanila kundi lalo na sa kanilang mga anak, sina Ram at Robin,” aniya.

Hindi talaga mawawalan ng trabaho ang isang mahusay na artista na tulad ni Jomari. Hindi niya nililimitahan ang kanyang pagganap sa mga lead roles lamang.

Welcome sa kanya maging ang kontrabida roles na talaga namang mas mapaghamon kesa sa role ng mga bida. Tulad ng mga ginagampanan niya sa kabilang istasyon. 

Humahanga ako sa iyo, Jom.

* * *

Mukhang si Nadine Samonte naman ang next important star ng GMA 7. Hindi pa man niya natatapos ang kanyang role sa Marimar ay pinagkalooban na naman siya ng isang magandang role sa Maging Akin Ka Lamang katambal ni Polo Ravales. Napanood ko ang unang dalawang episodes at maganda ang pagkaka-kuwento. Bagay pati ang role kay Nadine na tila maiiklian ang role sa Marimar para bigyan daan ang Maging Akin Ka Lamang.

* * *

Nakatutuwang very professional pa rin sina Cesar at Sunshine even after their break-up. Marami pa rin ang kikiligin sa napakainit nilang halikan sa Palos. At kinunan ang eksenang ito makatapos nilang maghiwalay. Pati raw si Cesar ay nagulat dahil walang kakyeme-kyeme ang asawa sa nasabing eksena. Obviously, may feelings pa ito sa kanya, kaya ano pa ang hinihintay mo, Buboy?

* * *

Si Bb. Joyce  Bernal ang magdi-direk ng pelikula nina Erap Estrada at AiAi delas Alas. May two picture exclusive contract pala ito sa Star Cinema na renewable every after one film. Pero sa TV, freelancer siya, puwede kahit saan. Kung sakali at siya ang humawak ng comeback movie ni dating pangulong Erap, maka­sisiguro na tayo ng isang very light but enjoyable film. Pero di ba romantic film ang forte ni Direk Joyce? Ibig sabihin, love story ang magiging movie nina Erap at Aiai?

Show comments