Meryll gustong magbalik-showbiz

Nasa Shangri-La Plaza kami nung nakaraang Sabado ng hapon nang aming mamataan si Meryll Soriano na ipinapasyal ang kanilang baby ng ex-husband niyang si Bernard Palanca. Kasama ng mag-ina ang ina ni Meryll at nakatatandang kapatid ni Maricel Soriano na si Bec-Bec Soriano, ang mister nitong Hapon at ang kanyang half-siblings. Nasa stroller ang baby na hati ang hitsura sa kanyang mga magulang.

Medyo mataba pa si Meryll pero nangako itong magpapapayat dahil gusto niyang balikan ang kanyang acting career na pansamantalang naputol dahil sa kanyang pagbubuntis at panganganak.

Nung hapon ding ‘yon ay nakita rin namin doon ang mag-asawang Cacai at Raul Mitra. 

* * *

Kung hindi magbabago ang plano, nakatakdang umalis ngayong Enero 28 ang bagong lead vocalist ng America’s popular rock band na The Journey, si Arnel Pineda patungong Los Angeles, California upang gampanan ang kanyang pinakabago at pinaka-challenging role bilang front man ng grupong pinagmulan ni Steve Perry.

Simula sa February 17 ay sasabak na si Arnel sa concert ng The Journey sa apat ng cities ng Chile at dalawa sa Las Vegas, Nevada. Pagkatapos nito ay babalik ng Pilipinas si Arnel sa Marso para magpahinga para naman mas preparado siya sa kanilang concert tour sa Amerika na susundan ng Europe at Asya.

Sa kanyang pag-alis ay babaunin ni Arnel ang suporta ng kanyang pamilya, mga kaibigan, dating mga kasamahan sa Zoo Band (na kan­yang pinagmulan) at mga fans at maging ng kan­yang mga kababayan.

Sa buwan ng Abril ay nakatakdang ilabas sa American market ang pinaka­bagong album ng Journey na si Arnel na mismo ang lead vocalist.

* * *

Personal: Ang aming taos-pusong pakiki­ra­may sa pamilya at mga mahal sa buhay na iniwan ng isang kaibigan,  talent manager, writer-director at teacher na si Angie Magbanua na sumakabilang-buhay nung nakaraang Biyernes (Jan. 18) sa ganap na ika-7:55 ng gabi sa FEU Hospital sa Fairview, Quezon City dahil sa kidney failure at kumplikasyon. 

Sina Leo Valdez, Dulce, ang magkapatid na Rannie at Lance Raymundo ang ilan sa mga talents na kanyang hinandle nung siya’y nabubuhay pa.

Show comments