Bago pa kami umalis ng Pilipinas noong Linggo eh narinig ko na ang balita na may bagong anak si Gabby Concepcion at baby girl ang bagets, courtesy of his wife Genevieve.
Ano ang masasabi ko tungkol sa isyu? Eh di good for him! Si Rollie Concepcion na ang nagsabi na ang bagong apo niya ang tanging anak ni Gabby na makakasama nito sa paglaki dahil lahat ng anak niya eh lumaki sa piling ng kanilang mga ina, kahit tanungin ninyo sina Sharon Cuneta, Grace Ibuna at Jenny Syquia.
Kung saka-sakali, ngayon lang mararanasan ni Gabby na maging tunay na ama dahil siguro naman, nag-mature na siya at forever na ang relasyon nila ni Ginbee.
Nakilala ko na si Ginbee noong estudyante pa lamang ito sa isang exclusive school for girls. Tagahanga siya ni Gabby kaya lagi siyang pumupunta ng kanyang mga kaklase sa bahay ni Gabby sa San Juan. Si Dindi Gallardo pa ang girlfriend noon ni Gabby.
O di ba, ang ganda ng love story nina Ginbee at Gabby? Sino ang mag-aakala na sila rin pala ang magkakatuluyan?
Sure ako na mabubuhayan ng loob ang mga fan na in love sa kanilang mga iniidolong aktor at aktres dahil may tsansa sila na makatuluyan ang mga hinahangaan nila.
Walang ipinagkaiba ang kaso nina Gabby at Ginbee sa love story nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez. Big fan ni Eddie si Bisaya at hindi idine-deny ni Annabelle na siya ang gumawa ng paraan na magkita sila ni Eddie.
Nagtagumpay si Annabelle dahil sa rami ng mga babae na na-link kay Eddie na sikat na matinee idol noon, siya ang pinakasalan at hanggang ngayon, matatag ang kanilang pagsasama. Nagkaroon pa sila ng mga magagandang anak na successful din ang mga showbiz career.
* * *
Luma na ang balita na gagawa si Gabby Concepcion sa GMA Films pero muling nabuhay ang isyu dahil sa kuwento ni Rollie na magbabalik-showbiz ang kanyang favorite son.
Knowing Gabby, miss na miss na niya ang pag-arte sa harap ng kamera dahil 12 years na siyang absent sa showbiz mula nang maghiwalay sila ni Jenny Syquia.
Naikot na yata ni Gabby ang buong Amerika dahil palagi siyang guest sa mga show ng mga Filipino community.
Nagkakausap si Gabby at ang aking anak na si Sneezy. Minsan nang nagtanong si Gabby kay Sneezy kung maraming Pilipino sa Washington DC dahil puwede siyang mag-show doon.
Maraming Pinoy sa Washington pero masyado silang busy sa kanilang mga trabaho para sa mga showbiz atsutsutsu.
May mga movie produ na nag-offer noon ng pelikula kay Gabby pero hindi natuloy dahil bukod sa naloka sila sa asking talent fee, mas gusto ni Gabby na mag-shooting sa Amerika at hindi sa Pilipinas.
* * *
Sobrang dami ang nagpapadala sa akin ng email sa lolit kulit@ yahoo.com.ph with matching pictures.
Para saan ang mga litrato? Nagbabakasakali sila na maging artista kahit hindi raw sila bayaran ng talent fee. Siyempre, hindi naman puwede ‘yon.
Hindi ko dini-discourage ang mga gustong pumasok sa showbiz pero isa lang ang lagi kong ipinapayo sa kanila, hangga’t puwede, tapusin ninyo ang pag-aaral dahil mas sigurado na magiging maganda ang inyong kinabukasan.
May mga magulang na sumusulat sa akin, kalakip ang litrato ng kanilang mga anak na halos sanggol pa lamang. Tinanong n’yo na ba ang mga bagets kung type nila na mag-artista? May alam na ba ang mga months-old baby tungkol sa showbiz? Wala debah?
Marami tayong artista pero hindi lahat sa kanila eh nabigyan ng pagkakataon na sumikat. May mga nag-win pa nga sa mga talent search pero wala rin nangyari sa kanilang mga showbiz career. Kaya sa mga nagbabalak na mag-artista, think, think at think!