^

PSN Showbiz

Dating sexy star madalas mag-hallucinate

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Kahit anong pagsigaw pa ang gawin ngayon ng isang dating sexy star ay hindi na siya paniniwalaan sa condo unit na tinitirhan niya. Kahit anong tawag pa sa telepono sa opisina ng condo ang gawin niya ay baka pagtawanan na lang siya.

Siya rin naman kasi ang gumawa ng dahilan para hindi na siya paniwalaan, hindi yun kasalanan ng management ng condo, siya mismo ang dahilan kung bakit hindi na siya dapat pang paniwalaan ng mga ito.

Nung unang nagsisisigaw  na humingi ng tulong sa kanyang mga kalapit-unit ang dating sexy star ay sinabi niya na pinasok daw siya ng mga lalaking may baril, tinutukan daw siya sa ulo, pero hindi naman siya pinagnakawan ng mga ito.

Ayon sa aming source, “Juice ko! Napa­kaimposibleng mapasok siya dun ng mga sinasabi niyang armadong lalaki, dahil wala namang dumaan sa lobby ng condo, imposible ring sa likod nagsidaan ang mga yun dahil ang tarik-tarik ng mga pader nila!

“Okey lang yun, binigyan siya ng benefit of the doubt ng mga taong hiningan niya ng tulong, pero dun sa sumunod, e, talagang nabuking na ng mga tao na hindi totoo ang mga sinasabi niya,” simula ng aming impormante.

Nung minsan kasi ay nagsisisigaw na tumawag ang dating sexy star sa opisinang nagpapatakbo ng condo, sabihan daw ang mga guwardiya na tumakbo sa kanyang unit, dahil merong nagta­tangkang pumatay sa kanya.

Nakapasok na raw ang mamamatay-tao sa kanyang unit, pinatakbo lang daw niya palabas ang kanyang anak, kaya siya na lang ang nandun na anumang oras ay maa­aring patayin na nung lalaking nakapasok sa kanyang unit.

“Ayaw na sanang tumak­bo dun ng mga guards, pero ang inaalala naman nila, paano kung totoo palang may naka­pa­sok sa unit niya, di sila rin ang mananagot sa management ng condo?

“Nagtakbuhan sila sa unit ni ___ (pangalan ng dating sexy star), hinalughog nila ang bawat sulok ng unit, pero wala naman silang makitang ibang tao dun.

“Dumaan daw sa kisame yung armadong lalaki, sabi niya, pero napaka-imposible ng kanyang sinasabi, dahil bata lang ang kakasya sa butas na sinasabi niya. Tiyempo namang dumating ang anak niya saka yung yaya, kagagaling lang sa school, huling-huli siyang nagsisinungaling dahil hindi naman pala totoong pinatakbo lang niya ang bata palabas nung pasukin siya ng mamamatay-taong sinasabi niya.

“Day! Napailing na lang yung mga armadong guwar­diya, naisahan na naman sila ng kapraningan ng sexy star, puro hallucination lang naman ang sinasabi niya dahil hanggang ngayon, gumagamit pa rin siya ng droga,” kumpirmasyon ng aming impor­mante.

Siya ang dating sexy star na nagsasabing milyonaryo na siya ngayon dahil nagbebenta siya ng mga luxury cars, siya ang dating sexy star na inaaway palagi ang aktor na naka-live-in niya, kotseng kuba ang katunog ng kanyang apelyido.

* * *

Balitang tatakbong mayor ng Quezon City sa 2010 si Vice Mayor Herbert Bautista, balita ring si Konsehal Aiko Melendez naman ang tatakbong vice mayor ng lunsod, pero hanggang ngayo’y hindi pa nagbibigay ng kumpirmasyon ang dalawa tungkol sa kalat nang balita.

Maraming nagsasabi na matagal nang hinog para sa nasabing posisyon si Vice Mayor Herbert, maganda ang kanyang performance bilang pulitiko ng Kyusi, panahon na raw talaga para ito ang humawak ng responsibilidad sa pagpapatakbo ng lunsod.

Medyo nag-aalala lang ang mga nakausap naming pulitiko tungkol sa pagtakbo ni Konsehal Aiko, kung talaga raw tatakbo ang aktres-pulitiko sa pagka-vice mayor ng Kyusi ay kailangan niyang magpakitang-gilas sa kanyang posisyon ngayon, kung matatandaan ay malapit nang malaglag sa pagkakonsehal ang aktres nung nakaraang halalan.

Tapos nang manumpa ang mga nahalal na konsehal sa Ikalawang Distrito ng Quezon City noon ay hindi pa rin siya nanunumpa, butas ng karayom ang pinagdaanan ng aktres nung nakaraang eleksiyon, kaya nag-aalala ang mga nakausap namin na baka hilaw pa para lumundag sa mas mataas na posisyon si Konsehal Aiko.

vuukle comment

KANYANG

KONSEHAL AIKO

LANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with