Classified as criminal in nature ang tatlong kasong pormal na isinampa ni Ai Ai delas Alas laban sa dalawang kawani ng isang popular convenience store. Nito lang daw napagtanto ni Ai Ai that any abuses inflicted upon children (and women) are more serious than those upon men.
Kaya there’s no stopping her from pursuing cases of child abuse, grave threat and illegal detention against a store employee in cahoots with a guard on-duty sa sinapit ng kanyang 16 year old son (bahagi ng proteksyon para sa menor-de-edad na bata ang di pagbanggit sa pangalan nito, much less show his face).
But wait a second hindi rito nagtatapos ang kuwento as AiAi is poised to file a civil case against the establishment.
* * *
Balik-bisyo nga ba ang isang aktres that explains kung bakit pawarde-warde siya sa kanyang trabaho?
Both sukung-suko at sukang-suka na raw ang staff ng isang teleseryeng kinabibilangan niya (dinig ko, they were force to kill her character following her no-show on the set, hayun, na-pack up!) na kailangan pa raw siyang suyu-suyuin at utu-utuin, mag-taping lang daw siya.
Once, the staff needed to swoop down on her residence, kulang na lang lumuhod on bended knees to convince her to show up at the taping. On the set, hanggang du’n ay sinusuyo-suyo pa rin ng mga ito ang aktres, praising her with all the superlatives about her performance.
Tsk, tsk, she hasn’t changed a bit. The prima donna feeling that consumed her is coming back even with more intensity!
Mamintana na lang kaya siya, out there lies a horizon of hope.
* * *
Maybe, this is a still-unverified info worth looking into by ABS-CBN. From an OFW who works in Saudi Arabia, sinabi niya sa akin na na-hack na umano ng ibang nasyon (I won’t mention which nationality) ang The Filipino Channel o TFC doon.
As a result, while our Pinoy workers still subscribe to TFC, ang bayad nila ay hindi na napupunta roon, instead to the foreign installers who illegally tap the cable TV service. And why not? Kung legal daw, subscription kunwari costs 600 rials, samantalang kung illegal, more than half the amount lang sa 600 rials. At wala rin naman daw nagbago sa mga pinanonood nila.
Hindi lang isang Saudi Pinoy worker ang nagpatotoo nito, even my best friend Henry Endradora who’s on vacation swears to this practice.
* * *