Uy marami palang nag-react sa sandamakmak na witness nina Piolo Pascual at Sam Milby sa ginanap na hearing kahapon ng kasong isinampa nila against ‘Nay Lolit Solis.
Parang promo raw lumabas ng concert nina Piolo at Sam at present pa raw si Angel Locsin para naman sa promo ng Lobo.
Well, hindi ako ang nagsabi kundi ‘yan actually ang reaction ng mga taong nakiususyo kahapon sa City Hall.
By the way, nagtatanong din sila kung bakit biglang kulot na rin ang buhok ni Angel samantalang dati naman daw ay straight. Hindi raw kaya nagpakulot din siya para tapatan ang hitsura ng hair ni Marian Rivera sa Marimar?
* * *
Parang lumaki na ang ulo ng isang comedy actress. As in pumasok na yata sa utak niya na sikat siya at marami na ang natatawa sa kanya. Pero ang hindi niya alam, marami na ang nagsasawa sa pagpapatawa niya. At kung magsalita ngayon ang comedy actress sobrang oa na rin.
* * *
Kung si Direk Joyce Bernal ang tatanungin, gusto niyang isang Metro Aide ang character na ipo-portray ni dating pangulong Joseph Estrada sa gagawin nitong pelikula. Gusto niya yung tipo ng role na nagwawalis ito sa kalsada. Pero wala pa silang final script kung ano ngang character ang gagampanan ni Erap.
Si AiAi delas Alas ang ka-partner dito ni Erap at si Direk Joyce nga ang napisil ng Star Cinema na mag-direk.
* * *
Pagkatapos ng Metro Manila Film Festival a week ago, hindi na issue ang pag-aakusa sa mga Muslims of pirating DVDs and CDs in Quiapo and other areas. Na-realize na natin na hindi lang naman sila ang totoong namimirata dahil sila na mismong mga Muslim ang nagbabantay para tuluyan na ngang masugpo ang pirata sa bansa na ang karaniwang suspect ay mga Muslim din.
Ito ay matapos mag-deklara ng kampanya ang businessman na si Yassin Ebrahim, president of Ma’Had Metro Manila Al-Islamia kasama ang 19 of his fellow Muslims in a concerted effort to fight piracy sa pangunguna ng Optical Media Board.
“Why always put the blame on Muslims? We are easy targets,” he says. “Not all Muslims are pirates,” sabi ni Mr. Ebrahim.
Instead na mga Muslim ang mahuli sa isinagawa nilang pagbabantay sa pangunguna ng Optical Media Board headed by Chairman Edu Manzano, mga professional cameraman ang na-apprehend nila kaya laking pasasalamat ng mga kapatid nating Muslim na napatunayang hindi naman nila kasama ang mga namimirata kundi mga ligitimate na bahagi ng film industry.
OMB’s efforts to fight piracy have not gone unnoticed, especially now that it has managed to make the MMFF piracy-free for the last three years. A recent government survey shows OMB is one of the top-performing offices in the country.
Sought for comment, Edu says, “We are just doing our job.”
The OMB is currently working on a P25-M budget, after Sen. Kiko Pangilinan’s efforts to increase the amount by P10-M was denied. (SVA)