^

PSN Showbiz

Francine kinasuhan ng estafa

-

Sinampahan ng kasong estafa ng isang negosyante sa National Bureau of Investigation (NBI) ang aktres na si Francine Prieto at ang ina nito matapos na umano’y mabigong magbayad ng kinu­hang alahas sa una.

Si Ana Marie Falcon o mas kilala sa screen name na Francine Prieto at ina nitong si Amelia Falcon ay inireklamo ng negosyanteng si Barbara Tolentino, 31, may-ari ng BIF Fine Jewelry ng 116 Doctor Alejo St. Sta. Ana Maynila.

Sa reklamo ni Tolentino kay HA Arnel Dalumpines, hepe ng Special task Force (STF) ng NBI, kumuha umano ng isang set ng jewelries si Amelia sa kanya na umabot sa halagang P150,000 noon pang Mayo 2007 samantalang namili rin umano si Francine ng mga alahas na kinabibilangan ng hikaw, singsing at mga bracelet na siya rin umano ang gumagamit.

Subalit nang singilin na raw ni Tolentino ang mag-ina ay nag-isyu sila ng 14 piraso ng post dated check pero  tumalbog lahat ito.

Pinadalhan ng subpoena ang mag-ina subalit kahapon, tanging ang abugado ng mag-ina na si Atty. Romel Oliva lamang ang nagtungo sa tanggapan ni Dalumpines at nangakong babayaran nila ito sa loob ng isang linggo. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

AMELIA FALCON

ANA MAYNILA

ARNEL DALUMPINES

BARBARA TOLENTINO

DOCTOR ALEJO ST. STA

FINE JEWELRY

FRANCINE PRIETO

GEMMA AMARGO-GARCIA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with