Parating basa... Aktres E kadiri ang kili-kili

Ngayon ang alis ni Senator Jinggoy Estrada pa­punta sa Amerika kaya pinagsabay na niya noong Linggo ang induction ng mga bagong halal na officer ng PMPC at Thanksgiving party dahil nag-win siya ng best actor award sa Metro Manila Film Festival.

Hindi ako lumalabas ng bahay tuwing Linggo dahil day-off ng aking driver na si Junior kaya hindi ako nakapunta sa Thanksgiving party ni Jinggoy.

Nabalitaan ko na lang na successful ang party dahil sa dumating ang mga invited at univited guests.

In fairness, walang umuwing luhaan dahil tini­yak ni Jinggoy na happy ang lahat.

Ipalalabas sa abroad ang Katas ng Saudi pero mauuna ang showing ng pelikula sa Singapore sa susunod na buwan. Pinaplano na ang showing sa Middle East para mapanood ng mga kababayan natin na OFW ang bonggang-bonggang pelikula ni Jinggoy.

* * *

Kadiri naman ang nabalitaan ko na palaging basa ang kili-kili ng aktres na si  E kaya turn-off ang kanyang mga co-star.

Kung ako ang manager ni E, siguradong pagsasabihan ko siya na gumamit ng deodorant para hindi pawisan ang kanyang kili-kili.

May foreign blood si E kaya pawisin siya pero hindi ito excuse para iwasan niya ang paggamit ng anti-perspirant cream o whatever ‘no!

Sayang ang magandang face ni E kung palaging wet ang kanyang under arm. Ayaw ng mga mhin nang ganyan ‘huh!

* * *

In love raw si Nicole Anderson kay Jeremy Marquez kaya ayaw na niyang bumalik sa US of A.

The who si Nicole? Siya ang unica hija ni Jean Saburit na naglayas ng bahay at  sinipa sa tiyan ang kanyang ina.

Hindi  ko alam kung paano nagkakilala sina Jeremy at Nicole. Basta ang alam ko, naging good mother si Jean sa kanyang anak.

Nagsisisi raw si Jean dahil pinauwi pa niya ng Pilipinas ang kanyang anak na biglang naging suwail.

Hindi makapaniwala si Jean na capable si Nicole na saktan siya ng pisikal. Pasalamat si Nicole dahil hindi ako ang nanay niya dahil kung sa akin nangyari ang kanyang ginawa kay Jean, she will never hear the end of it!

Nanay din ako kaya alam ko ang nararamdaman ngayon ni Jean ‘noh! 

Siyempre, sa kanya ako nakikisimpatiya dahil nakita ko ang sobra-sobrang pag-aalaga at pagmamahal niya sa nagrerebeldeng bagets!

* * *

Ano na nga ba ang nangyari sa reklamo ni Rita Avila laban sa isang spa sa Pasay City?

Sinubukan daw ng staff ng isang talk show na kunin ang panig ng management ng spa pero  hindi sila nagpainterbyu.

Nagreklamo si Rita dahil  nagmarka ang mga buto niya sa likod pagkatapos ng masahe sa kanya.

Anong klase ba ang masahe na ginawa kay Rita? Kung nagpa-Ventosa siya, siguradong magka­karoon ng pasa ang kanyang likod. Ventosa ang tawag sa matandang paraan ng paghihilot na gi­nagamitan ng baso at apoy para masipsip ang lamig sa katawan natin.

Bawal maligo pagkatapos ng procedure dahil siguradong magkakaroon ng pasa ang likod na gi­namitan ng Ventosa.

First time lang ba ni Rita na magpa-Ventosa o ibang klase ng masahe ang ginawa sa kanya?

Bakit kasi ayaw pang magpainterbyu ng management ng spa para matapos na ang isyu at hindi na ito umabot sa korte? Malaking abala kapag humantong sa husgado ang usapan. I should know ‘no!

Show comments