^

PSN Showbiz

Patrick nasalisihan??? Mark nahuling kasama sa condo-tel si Jennylyn bago nabuntis!?

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Bago naglabas ng kumpirmasyon si Becky Aguila, manager ni Jennylyn Mercado, na nagda­da­lantao ang batang aktres ay meron kaming ibina­lita ng kaibigang Jobert Sucaldito sa Showbiz Mismo sa DZMM sa pamamagitan ng blind item.

Ang kuwento ay tumutukoy sa isang batang aktor at sa isang batang aktres na nakitang magka­sama sa isang condo-tel, maraming nagulat sa kanilang pagsasama, dahil alam ng mga kababa­yan natin na hiwalay na sila at meron nang kani-kanyang karelasyon.

Ayon sa kuwento ng source, nung lumabas mula sa elevator ang babae ay parang nagulat pa siya dahil marami palang tao sa lobby, bumalik uli siya sa elevator at parang may kausap.

Maya-maya ay lumabas na ang babae, pagka­ta­pos nang ilang saglit ay lumabas naman ang kasama niyang lalaki, ang tanong ng mga nandun ay bakit sila ang magkasama at hindi ang karelas­yon ng batang aktres?

Kinabukasan ay pinangalanan na namin ang BI, sina Jennylyn at Mark Herras ang sinasabing magkasamang bumaba-lumabas mula sa elevator ng condo-tel, kuwestiyonable ’yun sa amin ni Jobert dahil ang kasalukuyang karelasyon nga ni Jennylyn ay si Patrick Garcia.

Pero mapilit ang source, December 10 nang madaling-araw ang sinabi nito, sa pagitan nang ala una y medya hanggang alas-dos nang madaling-araw ang oras na minarkahan nito, kung saan diumano’y nakita nilang magkasama sina Mark at Jennylyn sa naturang condo-tel.

Ipinaabot ni Jobert kay Patrick ang kuwento, pero simple lang ang sinabi ng aktor, “Jen said I’m the father of the child, I’ll believe her, I’ll stand by what she told me.”

Na dapat lang naman. Sabi-sabi lang ang kuma­ka­lat na kuwento, si Jennylyn ang nakakaalam kung sino talaga ang ama ng kanyang dinadala, kung bakit naman kasi mas naunang lumabas ang kuwentong ’yun bago ang kumpirmasyong nagda­dalantao nga si Jennylyn.

Kahit anong kuwento pa ang ilabas ng kung sino diyan ay si Jennylyn pa rin ang nakakaalam ng katotohanan, pagdudahan man ng buong mundo ang kanyang kalagayan ngayon ay imateryal na ’yun, dahil siya bilang ina ng sanggol na kanyang dinadala ang tunay na nakakaalam ng buong katotohanan.

At tama lang din na pagkatiwalaan ni Patrick ang karelasyon nito, naliligalig na sila ngayon ng biglaang pagdadalantao ni Jennylyn, huwag na sanang maging kumplikado pa ang kanilang sitwasyon ngayon.

* * *

May lagnat na ang bayan ngayon sa Patayin Sa Sindak Si Barbara, araw-araw ay marami kaming tinatanggap na komento tungkol sa sine-seryeng pinagbibidahan nina Manang Inday (Susan Roces) at Kris Aquino, kahit daw nadyidyinggel na sila ay parang ayaw pa rin nilang tumayo dahil baka may makalampas na eksena sa kanilang panonood.

Sabi sa amin ni Asereth, isang regular naming tagasubaybay sa radyo, “Kakaiba ang Patayin Sa Sindak… creepy talaga, ganito ang magandang horror series, nanunuot sa balat mo ang takot!

“Tapos na ang mga dinaya at tinipid na zombie-zombie ek-ek na ’yan, tama na rin ang mga kunwari, e, naa­ag­nas na katawan, ibang klase talaga ang ABS-CBN, siguradong sure blockbuster na naman sa ratings ito!” sabi ni Asereth.

Kahit ang mga kaibigan naming mapili sa panoorin ay nagagandahan sa Patayin Sa Sindak… nakakatawa nga ang kanilang kuwen­tong natatakot daw ang kanilang mga anak sa pala­bas, pero kung bakit gustung-gusto pa rin namang manood ng mga bata.

“Sabay-sabay kaming sumisigaw, nakakatakot kasi ’yung eksena, pero hindi naman gaanong nakakatakot kapag marami kayong nanonood. Magagaling ang artista nila, saka alam mong ginastusan ang mga eksena, marespeto sila sa televiewers nila na gumagastos nang malaki sa kuryente.

“Si Kris, I hope sa pagdaraan ng mga episodes ng series, e, mag-i-improve pa. Magkakapareho kasi ang emotion at facial expression niya kapag nagagalit at natatakot siya. Para pa rin siyang nakatawa.

“Pero magaling na rin siya, mag-ingat lang siya sa mga kaeksena niya dahil magagaling sila. Kay Jodi Santamaria na lang, hindi na makapoporma si Kris, e, nandiyan pa si Susan Roces?,” kuwento ng isang kaibigan naming tumututok sa serye.

vuukle comment

ASERETH

JENNYLYN

PATAYIN SA SINDAK

SHY

SUSAN ROCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with