Say ng PASG: Mamahaling Kotse Ni Revillame Smuggled?
Nalalagay na naman sa malaking kontrobersiya ang host ng noontime show na si Willie Revillame matapos madiskubre ng PASG Head Undersecretary Antonio Villar Jr. na ang red Ferrari ng TV host ay kinakailangan niyang ibalik sa gobyerno dahil questionable ang mga dokumento ng nasabing sasakyan.
Base umano sa imbestigasyon, isang milyon lang ang ibinayad ni Revillame sa nasabing sasakyan para sa importation at registration ng nasabing ‘hot’ red Ferrari.
At certificate of payment lang umano ang naipakita para patunayan ang ownership.
“ I suggest that Mr. Revillame should voluntarily surrender the vehicle to us before we take steps to forcibly recover the vehicle from him. We are now investigating the circumstances and the details on how this vehicle ended up to his possession,” sabi ni Villar sa isang interview sa DZBB.
Sinabi pa ni Villar na hindi kapani-paniwalang isang milyon lang ang binayaran ni Revillame para sa isang luxury car na tulad ng 2006 Ferrari samantalang ang businessman na si Iñigo Zobel ay nagbayad ng P8 million sa tax para sa isang mas lumang Ferrari – 1996 edition.
Base sa estimate ni Villar, dapat magbayad ang TV host ng P12 million sa tax bago niya makuha ang nasabing sasakyan. Nagtataka rin si under secretary Villar kung paano nai-rehistro ng TV ang sasakyan sa Land Transportation Office kung saan sinabi niyang ang registration papers ay nanggaling sa Toledo, Cebu pero ang kanyang plate number at issued ng LTO head office sa Diliman, Quezon City.
“ We have already asked DOTC Secretary Leandro Mendoza and LTO Chief Reynaldo Berroya to investigate this because we are very sure that Mr. Revillame’s Ferrari came to his possession under highly anomalous circumstances,” Villar said.
Noong nakaraang Friday kasi ay nag-raid ng facility sa
Bukod sa Ferrari, iimbestigahan din ng PASG ang Hummer Truck ni Revillame kung tama rin ang mga dokumento nito. (LM)
- Latest