Martin at Pops nagkaayos na

Ipinangako ni Martin Nievera na mag-i-enjoy ang manonood sa kanyang XXV concert sa Araneta Coliseum sa February 1. Paghahandaan niya ito ng husto, dahil 25th  year at birthday concert niya ito (sa February 5, 46 years old na siya). Mga kantang pinasikat niya at identified sa kanya ang kasama sa repertoire.

Bukod sa mga anak na sina Robin at Ram Nievera, walang ibang guests sa kanyang concert si Martin. Nagulat ito’t ang mga anak mismo ang tumawag sa kanya para sabihing gusto nilang mag-guest sa kanyang concert, pero sa day ng presscon, hindi pa nito alam kung ano ang gagawin nilang mag-ama.

At the same time, ‘wag asahang maggi-guest si Pops Fernandez, dahil bukod sa hindi yata siya inimbita ni Martin, ayaw ng Concert King na lumabas na ginagamit niya ang ex at ang nangyaring malaking controversy sa kanila para magkaroon ng publicity mileage ang show. Kung maggi-guest man daw si Pops, hindi na niya ia-announce.

Sa ngayon, masaya na si Martin na sinasagot na uli ni Pops ang kanyang text messages. Binati niya ito noong New Year at nag-text back at ibinalik ang pagbati sa kanya at sumagot uli nang tanungin niya kung ano ang ireregalo sa birthday ni Ram sa January 26 para nga naman hindi madoble ang gifts ng bagets.

Kabaligtaran ito sa pangde-dedma ni Pops nang magkita sila sa Meralco Theater sa taping ng Christmas Special ng ABS-CBN. Para raw siyang nakipag-usap sa wall, dahil walang reaction ang ex nang batiin niya ng happy birthday at halikan sa cheek.

‘Katuwa nang makita ni Martin si Lhar Santiago ng 24 Oras ng GMA-7 sa presscon. Agad itong tinanong kung bakit at paanong ang version niya ng Because of You  ang theme song ng Korean novela na Coffee Prince. Hindi na ito nakahirit sa sagot ni Lhar na “Ask your recording company.” Ang balik reaction ni Martin ay “so my recording company made money from my album.” Promise, hindi namin kinaya ang dialogue nito’t natawa talaga kami.

Natawa rin kami sa sinabi ni Martin na “It’s so stupid” patungkol sa network war between ABS-CBN and Ch. 7 na umabot na nga sa korte. Ano kaya ang masasabi ng management ng two networks dito?

Samantala, Rowell Santiago directs XXV , musical director si Louie Ocampo at si Gerard Salonga na sabi’y gagasta ng P6 million for Martin’s concert.

* * *

Kumpirmadong gagawa ng pelikula sa GMA Films si direk Joey Reyes, pero hindi lang kami sure kung ito na ‘yung kumalat na balitang pumirma siya ng exclusive contract sa film company na pinamumunuan ni Annete Gozon-Abrogar.

Ang Monster Mom  ang unang project ni direk Joey sa GMA Films, dahil co-producer sila ng Regal Entertainment. Si direk Joey din ang magdidirek ng second movie ni Sharon Cuneta sa movie company at may gagawin din siyang indie movie na mala-Pare Ko  ang istorya at bida ang Studs.

 Siguradong may mga susunod na projects pa si direk Joey sa GMA Films, pero posible kayang magtulong sila ng pamangkin niyang si direk Mark Reyes sa pagdidirek ng pelikula? Puwede ring TV show sa GMA-7. Okay kaya ito sa mag-tito?

Show comments