MMFF di umabot sa inaasahang kita

Isang belated intimate birthday dinner ang ibinigay ng movie queen na si Susan Roces sa respetado at veteran entertainment writer na si Ronald Constantino nung nakaraang Mi­yerkules (Enero 2) ng gabi sa Hot Pot ng Gloria Maris sa Greenhills, San Juan City na dinaluhan ng Philippine Star entertainment editor/TV host na si Ricky Lo, entertainment writer/talent manager na si Ethel Ramos, talent managers Shirley Kuan at Dolor Guevarra, Director Boots Plata at ng inyong lingkod.

Lingid sa kaalaman ng marami, si Ronald ay isa sa malapit na kaibigan ni Susan at ng yumaong hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr.  Kung nabubuhay pa siguro si FPJ, hindi ito puwedeng mawala sa mahalagang okasyon na ito ni Ronald C. na ang actual birthday ay nung nakaraang December 30 na araw din ng kamatayan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

* * *

Mukhang malabong maabot ng MMFF ang target nila sa taong ito dahil tatlo sa sampung entries sa ongoing festival ay sobra ang hina sa takilya. Nung nakaraang January 1 ay umabot lamang ng P255-M plus ang kinita kumpara sa P277-M plus noong nakaraang taon.  Bale short ito ng mahigit P22-M.

* * *

Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na namigay umano ang MMDA at MMFF chairman na si Bayani Fernando ng tigsa-sampung libreng tickets na nagkakahalaga ng P5,000 each o suma total na P50,000 sa bawat producer na may official entry sa festival pero kasabay naman dito ang mandatory tickets na kailangan nilang bayaran na nagkakahalaga ng P30,000 sa ginanap na awards night ng MMFF?

Sa totoo lang, hindi namin naintin­dihan ang bagong konsepto na ito ni Chairman Fernando.

* * *

 a_amoyo@pimsi.net

Show comments