Walang naabutang artista ang press na late dumating sa birthday party ni Katrina Halili na ginawa sa Barrakz noong Sabado. Hindi kinariir mag-imbita ng artista ang sexy actress at karamihan ay production staff ng Marimar at si direk Joyce Bernal ang ginustong makasama sa kanyang party. Ang dumating lang ay sina Bing Loyzaga, Marco Alcaraz, Paolo Paraiso at ang ex-boyfriend na si Andrew Schimmer.
Ini-expect pa naman ng press na dahil bati na sila ni Marian Rivera ay isa ang actress na babati at makikisaya sa kanyang kaarawan. Sa January 12 pa ang big celebration, bale birthday concert niya sa Zirkoh Timog.
Naloka ang bisita ni Katrina sa kanyang all-black attire sa kanyang birthday. Mula sa hair design, dress, stockings, at shoes ay naka-black ito. Mabuti’t hindi sinabihan ang mga imbitado to come in black!
* * *
Pagkatapos ng Patayin sa Sindak si Barbara, ang Wheel of Fortune naman ang magpa-pilot sa January 14, hosted by Kris Aquino. Super excited ito to be hosting the game show, dahil pinapanood niya ito noong nakatira pa sila sa Amerika. Hindi nito ini-expect na darating ang araw na siya ang magho-host nito dito sa atin.
Walang nakapag-tanong kay Kris kung paano niya binabalanse ang kanyang oras, now that she has three regular shows. Maganda ang ginagawa niya to bring her kids sa trabaho para kung libre siya’y, nakakarga niya si baby James at madali siyang makita ni Josh.
Kinumusta namin ang naipit niyang left thumb sa door ng restroom ng airplane noong pabalik sila ng Manila from Bangkok. Pasalamat ito na hindi namatay ang kanyang kuko, pero 40 minutes niyang nilagyan ng ice.
Samantala, sa kanyang K-text, bidang-bida ang mga anak at asawa ni Kris. Tsinika nitong ang bagong haircut ni James ay ginaya sa haircut ni David Beckham. Favorite daw ni baby James ang Japanese miso soup and rice, Haagen Daz ice cream (vanilla & strawberry flavored), at Arce ice cream (ube at avocado flavors). Enjoy din ang bagets sa beef mixed with rice at favorite fruits nito’y Mandarin orange. Si Josh nama’y ayaw ng white rice at gusto’y Japanese rice and Chinese fried rice. Sosyal ang taste ng mga anak ni Kris, may pinagmanahan.