Angelika may na-realize sa pagbalik sa GMA 7

 Bumalik  na pala ng GMA 7 si Angelika dela Cruz. Ngayon kasama agad siya sa isang teleserye na magsisimula nang mapanood, ang Maging Akin Ka Lamang kapalit nang magma-maternity leave na si Jennylyn Mercado na breadwinner pala ng kanyang pamilya na nakita kong worried nang kapanayamin sa TV ang ina at ama, na nag-aalala marahil kung paano pa sila masusuportahan ni Jennylyn ngayong magkakaroon na ito ng anak. Tsk. Tsk.Tsk.

* * *

Na-realize siguro ni Angelika na hindi naman talaga siya pinabayaaan ng Kapuso Network, magagandang projects ang naibibigay sa kanya, hindi nga lang kaagad nasundan yung last project niya, kaya siya nainip at nag-alsa balutan.

Magaling namang artista si Angel, maganda pa’t sexy, nakakakanta rin siya.

Tingnan n’yo nga’t hindi naman siya naging alangang isabay sa pagsasayaw sa magaling nang si Rochelle Pangilinan nung Linggo sa SOP.

Welcome back, Angelika!.

 

* * *

Mas malaki pala ang kinita sa takilya ng Sakal, Sakali, Saklolo ng Star Cinema kaysa sa Enteng Kabisote 4 ng OctoArts/M-Zet making it as the top grossing film of the MMFF ‘07. Wala namang pagtutol dito ang mga taga-Enteng Kabisote, sapat na sa kanila yung kumita rin sila’t nakapagbigay ng kasiyahan sa maraming manonood lalo’t panahon ng Kapaskuhan. Gusto nga nilang kumita ang lahat ng entries para mabuhay ang industriya.

* * *

Sana matapos na rin ang bangayan ng dalawang networks tungkol sa sinasabing “dayaan” daw sa ratings. Marami na ring  TV viewers ang nagrereklamo dahilan sa walang katapusang sagutan  nila. Hintayin na lamang natin na ang korte ang magpasya kung sino ang talagang nagsasabi ng katotohanan. Basta ako, naniniwala na hindi talaga gawain ng Kapuso ang mandaya, walang dahilan dahil sa nangunguna kami ngayon sa ratings.

Show comments