^

PSN Showbiz

Rhian papalit kay Ara sa GMA

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Si Rhian Ramos ang nabalitang ipapalit kay Ara Mina sa Bubble Gang, pero nang tanungin namin ang young actress, wala pa raw nagsasabi sa kanya tungkol dito. Sa follow-up question namin kung papayag siyang isama sa show, positive ang sagot nito.

“Why not? It’s one of my favorite shows at matagal ko nang gustong mag-guest doon. Medyo naging busy lang at ‘di natutuloy. Matutuwa ako kung maging miyembro ako ng pamilya ng Bubble Gang,”  sabi nito.

Nai-imagine namin ang magiging reaction ng anti-Rhian fans ‘pag totoo ito at tiyak na ‘di na naman nila titigilan ang young actress. Sasabihin nilang kaya siya ang ipapalit kay Ara dahil tita niya ang head ng GMA Artist Center at ang koneksyong ito rin daw ang rason kung bakit siya ang ipinareha kay Mark Herras sa My Only Love.

Samantala, on leave lang daw si Ara sa Bubble Gang  at habang nasa Prinsesa ng Banyera ito’y, hindi muna siya mapapanood sa gag show. Pero, welcome pa rin itong bumalik sa Bubble Gang  ‘pag tapos na ang PNB.

* * *

Sina Jennlyn Mercado, Wendell Ramos, Lotlot de Leon at Caridad Sanchez lang ang absent sa cast ng La Vendetta sa last presscon ng suspense serye na ginawa sa Pilita’s Bar & Restaurant ni Ms. Pilita Corrales sa Greenhills.

Understandble ang hindi pagdating ni Lotlot, dahil ang former mom-in-law niya ang owner ng resto at hindi sila magkabati mula nang maghiwalay sila ni Ramon Christopher. Sayang at walang naglakas ng loob na magtanong kay Ms. Pilita sa hindi pagdating ng dati niyang manugang, dahil tiyak na maintriga at controversial ang sasabihin nito.

Sa hindi pagdating ni Lotlot, hindi siya natanong sa tsikang muli silang nagiging close ni Gardo Versoza na minsan nang na-link sa kanya.

ARA MINA

ARTIST CENTER

BUBBLE GANG

CARIDAD SANCHEZ

GARDO VERSOZA

LA VENDETTA

LOTLOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with