Kung natatandaan pa ninyo, nakilala bilang Karen Carpenter of the Philippines si Claire dela Fuente nung kasikatan niya.
Pumunta ng US si Claire kamakailan lamang at dun ay gumawa siya ng isang album na malapit nang i-release dito. Dun ay nakilala niya habang siya ay nagri-recording si Richard Carpenter, kapatid ni Karen. Bilib na bilib ito dahil kaboses niya ang kapatid nito. At bilang appreciation ay binigyan siya nito ng isang awitin na hindi ko lang alam kung naisama ni Claire sa iri-release niyang album sa February na ipinangako niyang ipo-promote sa programa kong Walang Tulugan.
* * *
Bigla kong na-miss si Ading Fernando nang mabalitaan ko na gagawa ng pelikula na magkasama sina Dolphy at Vic Sotto. Wala pa akong nakikitang maaring makapalit ng nasirang direktor/writer pagdating sa komedi na patok sa masa.
Aba, isang malaking proyekto naman ang gagawin nina Dolphy at Vic na kailangang paghandaang mabuti para hindi masayang.
* * *
Dahil hindi na rin siya iba sa akin, she considers me a second father, hindi ako nag-alangang sabihan si Shaina Magdayao na alagaan niya ang loveteam nila ni Rayver Cruz dahil ang lakas ng dating nila sa screen, mayroon silang chemistry.
Kulang ang industriya ng mga loveteams ngayon at bibihira ang dumarating na magkakaparehang may dating na katulad nila. They should take this into consideration.
Puwede naman silang mag-succeed as a tandem, huwag lamang munang magseryoso sa kanilang mga personal lovelife.
* * *
Tungkol naman kina Cesar at Sunshine, nahaharap ngayon sila sa isang mahigpit na pagsubok bilang mag-asawa. Ngayon, higit kailanman, kailangan nilang malagpasan ang hamon ng panahon sa kanilang pagsasama. Bagaman at kakaunting celebrity couples ang napagtagumpayan ang ganitong pagsubok, isipin lamang nila ang tatlo nilang mga anak at humingi ng tulong sa Diyos at malalagpasan nila ang lahat.