Jennylyn anim na linggong buntis
Buntis si Jennylyn Mercado at six weeks old na ang bagets sa kanyang tiyan.
Si Patrick Garcia ang ama ng bata, may iba pa ba?
Tiyak na malulungkot ang fans ni Jennylyn na hoping na siya ang magiging Darna dahil walang Darna na buntis huh!
Niyayaya na raw ni Patrick na magpakasal sila ni Jennylyn.
How nice of Patrick ha? Yan ang tunay na lalake, may paninindigan!
* * *
Mali ang hula ng dear PSN readers sa blind item ko kahapon tungkol sa aktres na hindi maganda ang rehistro sa wide screen. Tama ba naman na sabihin nila na si Iza Calzado ang tinutukoy ko?
Si Iza pa? Si Iza na malakas at pagkaganda-ganda ng rehistro sa screen? Si Iza na maganda sa harap ng kamera, maganda pa sa personal?
Mali ang hula ninyo ‘huh! Para kayong si Madam Auring na lie ang sagot ng lie detector machine sa kanyang mga hula.
May filmfest movie ang aktres na subject ng aking blind item. Morena siya at matangkad pero hindi siya si Lara Morena ‘no!
* * *
I’m sure, maligayang-maligaya si Mother Lily dahil pinipilahan sa takilya ang Desperadas.
At least, nabawasan ang kanyang tampo dahil walang grade na ibinigay sa Bahay-Kubo ang Cinema Evaluation Board.
Malalaman natin kung madaragdagan ang happiness ni Mother dahil bukas na ang MMFF awards night.
Alin kaya sa dalawang pelikula niya ang maghahakot ng awards, ang Desperadas o Bahay-Kubo?
Matunog ang pangalan ni Jinggoy Estrada sa best actor category. Mag-win kaya si Jinggoy na talagang bongga ang acting sa Katas ng Saudi?
Pupusta ako na tatanggap ng maraming awards ang Katas ng Saudi at ang Sakal, Sakali, Saklolo. Maglalaban sa best director award sina Joey Reyes at Joel Lamangan na parehong dalawa ang pelikulang kasali sa MMFF.
Hahakot ng technical awards ang Resiklo at mahigpit nitong makakalaban ang Enteng Kabisote.
At siyempre, pupusta ako na pag-uusapan at punumpuno ng intriga ang awards night bukas dahil hindi maiiwasan sa mga ganitong okasyon ang mga nakakalokang resulta.
* * *
Gusto kong malaman ang sagot ni Jinkee Pacquiao sa reklamo ng babae na nag-organize ng first birthday party ng anak nila ni Manny.
Ilang buwan na mula nang idaos ang bonggang-bonggang birthday party ni Princess pero hindi pa pala bayad ang event organizer na kaibigan ni Claudine Barretto.
Napanood ko sa TV kung gaano kabongga ang birthday ng bagets. Bilib na bilib nga ako sa mga sosyal na give-aways tulad ng Ipod, tuta at kung anik-anik pa!
Nabalitaan ko rin na milyun-milyong piso ang binayaran ni Manny sa hotel na pinagdausan ng party ng kanyang unica hija pero hindi pa pala kasama doon ang bayad sa event organizer.
Kailangang ayusin ni Jinkee ang problema dahil baka umabot pa ito sa demandahan. Ano ba naman ‘yung mag-usap sila nang maayos ng event organizer para hindi na lumaki pa ang isyu.
Siyempre, kaibigan ni Claudine ang event organizer kaya pati ang name niya, nadadamay eh nagmagandang-loob lang si Claudine na tumulong para maging mega-successful ang birthday ni Princess.
Bukas ang pahina ng PSN sa paliwanag ni Jinkee. Kung ayaw niya na magsalita, mag-usap na lang sila sa telepono ng event organizer na madaling ma-contact!
* * *
Maraming-maraming salamat kay Mayor Toby Tiangco na hindi nakalilimot tuwing Pasko.
Araw-araw na nagbabasa ng PSN si Papa Toby kaya gusto kong iparating sa kanya na nakarating sa akin ang munting Christmas gift niya. Munti raw o!
Sa true lang, touched na touched ako sa kind gesture ni Papa Toby. Napaka-thoughtful talaga niya. Alam ko na kung bakit love na love siya ni Papa Erap at ng mga mamamayan ng Navotas. Happy New Year Papa Toby!!! Lalo sanang umunlad ang Navotas dahil sa mahusay mong pamamalakad!
- Latest