^

PSN Showbiz

Katrina may kakaibang gagawin sa career

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hinihintay pa rin namin ang pinaaabangan ni Katrina Halili na may malaking mangyayari sa kanya at sa kanyang career ‘very soon.’ Paulit-ulit niya itong sinabi, the last time na ma-interview namin siya sa taping ng Marimar. Ayaw nitong magbigay ng clue, basta maghintay at abangan lang daw namin.

Anyway, birthday ni Katrina sa January 4 at 22 years old na siya sa nasabing petsa. Sa halip na magpa-party, maghahanap-buhay pa ang hitad, dahil may inihahandang birthday concert sa Zirkoh Timog sa January 12. Sing-and-dance ang gagawin niya with her guests na hindi pa ipinaaalam kung sino.

Makikibalita kami kung iimbitahan niya sa concert si Marian Rivera at kung darating ang dalaga para bumati at makisaya sa kanya. Kaya lang, kahit nadadalas na naman ang mga eksena nila sa tele-drama, mukhang malabong maging friends sila. Magwawakas ang Marimar na hindi pa rin nila type ang isa’t isa.

* * *

Nagulat ang 24/7 viewers ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition  kay Mariel Rodriguez, dahil nang malasing sa stag party ng housemate na ikakasal, si Riza Santos ang napag-tripan.

Minura nito ang dalaga at kung anu-anong bad words ang sinabi, bilang simpatiya kay Ethel Booba na dine-dedma ni Will Devaughn dahil kay Riza.

Kuwento sa amin nang nakapanood, nabanggit ni Ethel kay Mariel na hopeless na siyang magustuhan ni Will, dahil si Riza ang type nito. Nang makumpirma nitong in-love talaga ang komedyana, minura na nito si Riza na tumatahimik lang sa pang-ookray nina Mariel at Ethel.

Siguro, mas lalong magagalit sina Mariel at Ethel ‘pag nakapasok sa Big 4 si Riza at ‘pag ito ang tinanghal na winner sa Big Night ng PBBCE  sa January 5, 2008 sa Araneta Coliseum.

* * *

Sa halip na malungkot, tuwang-tuwa pa si Mike Tan na hindi siya kasama sa Kapuso talents na nag-perform sa New Year’s countdown ng GMA Network called CELEBR8 TO ’08, kamakalawa ng gabi.

Mula nang mag-showbis, first time niyang nag-celebrate ng birthday at New Year’s Eve na kasama ang kanyang pamilya. Sa mga nakaraang countdown show at party ng istasyon, lagi siyang kasali.

Kinu-consider pa lang birthday gift ni Mike from Channel 7 ang pagkakasali niya sa cast ng Maging Akin Ka Lamang.  Ngayong Huwebes pa siya magsisimulang mag-taping, kaya hindi pa masyadong alam ang character na gagampanan. Ang alam lang nito’y, kabarkada siya nina Jennylyn Mercado, Patrick Garcia, Isabel Oli at Paolo Contis.

Kasama pa rin si Mike sa Manay Po 2  ng Regal na malapit na ring simulan ang shooting. Best friend na lang ni John Prats at hindi na pagnanasaan ang kanyang role. Sayang, dahil inalis ang character ni LJ Reyes sa movie, naudlot na naman ang balik-tambalan ng mag-ex. 

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BIG NIGHT

ETHEL BOOBA

MARIEL

NEW YEAR

RIZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with