Probably the first of many follow-up stories waiting to be told in 2008 ay ang pagbabalik sa bansa ng mag-asawang David Bunevacz at Jessica Rodriguez anytime soon from Los Angeles, California.
While tongues continue to wag na wala raw balak pang umuwi ang embattled couple, showbiz is banking on David’s words that they’re set to return to get their problem done and over with. Oo nga naman, both David and Jessica could face the music if they want their names cleared, and themselves exonerated from what seems to be the biggest business anomaly involving showbiz personalities.
* * *
Just for the sake of argument, kung pinalad kayang manalong senador si Cesar Montano noong nakaraang May 2007 elections, would he and wife Sunshine Cruz have separated based on the confessions of Alfie Lorenzo, Sunshine’s manager cum godfather to the couple?
Definitely not.
Kung nagkataon, ganun na lang ang pag-aalaga ng mag-asawa sa kanilang public image, how could Cesar justify his love for his Inang Bayan kung ang ina nga naman ng kanyang mga anak ay kinapos siya sa pagmamahal?
* * *
Thank God, hindi masyadong naglipana ang mga prophets of doom. Karaniwan kasi sa kanilang mga fearless forecasts include likely accidents, worse deaths of various causes.
Let’s face it, nagiging palaisipan tuloy ito sa publiko kung sinong artista, direktor o alagad ng sining ang lapitin ng disgrasya, sending the public to create a mental, if not a written list of those who are susceptible to such misfortunes.
Bumabawi na lang ang mga psychics na ito by saying that death or near-death occurrence is God’s will, kasabay ng panawagan na ang Nasa Itaas pa rin ang Siyang mananaig o makapangyayari.
Meanwhile, 2008 is the Year of the Earth Rat. Kamag-anak ng rat ang mouse that belongs to the family of rodents. May kasabihan: when the cat is away, the mouse will play, and such is ascribed to an unfaithful partner.
At kung paniniwalaan ang sumbong ni Sunshine kay Kuya Alfie na babae ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Cesar, I can only say that both as an actor and as a husband, Mr. Montano is really ahead of his time.
* * *
If she knew me too well, my friend (and former boss) Cristy Fermin would treat my PSN item on Patrick Garcia as a “talamak casino gamer” as gospel truth. Itinanggi raw kasi ng aktor na dahil sa kanyang bisyong pagsusugal ay naisasanla niya ang kanyang mga cellphone units, one of which still bore an undeleted text message apparently from his girlfriend Jennylyn Mercado.
Salamat sa mismong pananaliksik ni Cristy, na pinasalamatan ko through text. Aniya, para raw patunayan ang kasinungalingan ni Patrick, “Sinadya kong pasukin ang mundo niya.” Hindi na in-elaborate ni Cristy if by penetrating Patrick’s world ay sinubukan din niyang magsugal, magpatalo, magsanla ng cellphone, mangutang at matulog sa sahig sa casino!
Not only in the issue of vicious gaming has Patrick ever been involved, maging sa usapin tungkol sa paggamit ng drugs ay ikinabit din sa kanya. And Patrick has repeatedly denied this.
I can’t wait to see another reporter-friend na mangangahas namang pasukin ang mundo ng pagdodroga.