Gretchen abala na sa launching ng sariling CD

May magagawa ba tayo kung in love na in love si Jolo Revilla kay Lourdes Virginia na mas kilala bilang Lovi Poe?

Sa sobrang pagka-in love ni Jolo kay Lovie, buong ningning na inamin niya na  isang buwan na ang kanyang panunuyo sa dalaga.

Ang tanong, may pag-asa ba si Jolo na maging love ni Lovi? Madalas daw na nakikita ang dalawa na magka-date at puwede kong sabihin na proof ito na hindi   pinapaasa ni Lovi si Jolo.

Hopeless romantic na bagets si Jolo. Kapag na in-love siya, in love talaga siya. Wah siya care sa mga sasabihin o sinasabi ng ibang mga tao!

* * *

O di ba, type ni type ni Gretchen Barretto na ma­sangkot sa mga controversy dahil ito ang kan­yang basehan kung may career pa siya o wala na?

Kung pinanood ninyo kahapon ang Startalk, sure ako na narinig ninyo ang mga statement ni Greta na aligaga sa kanyang CD na malapit nang  lu­mabas sa mga record bar.

Yes, singer na si Gretchen at matagal na siyang mahilig kumanta. Si Greta ang nag-produce ng  record album niya na katuparan ng kanyang mata­gal na pangarap na kilalanin bilang professional singer!

* * *

Nag-win ako ng cellphone sa raffle draw na gina­nap pagkatapos ng  press preview ng Banal noong Biyernes. Si Ina Alegre na talaga ang produ of the year dahil bongga ang kanyang raffle prizes at bong­ga pa ang unang pelikula na pinrodyus niya.

In fairness to me, hindi ko tinakasan ang press preview ng Banal. Inumpisahan at tinapos ko ang pelikula. Hindi ako na-bore!

Ikinuwento ko kahapon na magaling sa pelikula si Paolo Contis. Nalimutan ko na banggitin na ma­hu­say din si Alfred Vargas at siyempre, given na ang kahusayan ni Christopher de Leon.

Tama ang siney ko na simpleng tampu­han lang ang nangyayari kina Sunshine Cruz at Cesar Montano dahil ito pa ang nagku­wento na magkikita sila ng kanyang misis habang mainit na mainit ang isyu na hiwalay na sila.

Hindi ako naniniwala na magkakahiwalay sina Cesar at Sunshine dahil sobra-sobra ang pagma­mahal nila sa isa’t isa.

* * *

Panoorin ninyo ang Banal sa opening day nito sa January 1. Sure ako na magugustuhan ninyo ang pelikula dahil kakaiba ito sa mga Tagalog action movie na karaniwan na nating napapanood.

Congrats kay Ina, sa buong cast ng Banal at sa direktor na si Cesar Apolinario na may ibubuga pala talaga sa pagdidirek ng pelikula.

o0o

Malapit nang matapos ang La Vendetta dahil bilang na ang taping days ng cast.

Hindi ko pa alam kung ano ang ipapalit ng GMA 7 sa mababakanteng timeslot ng La Vendetta.

Busy pa sila sa paghahanda ng demanda laban sa ABS-CBN dahil sa paratang na nag-manipulate sila ng TV ratings.

Kung hindi ako nagkakamali, malapit na rin ang ending ng Zaido at ang Joaquin Burdado ni Robin Padilla ang papalit sa timeslot ng show na kinababaliwan ng mga bagets.

Show comments