Kris at James sa Bangkok nag-Christmas

Nasa Bangkok ang mag-asawang James Yap at Kris Aquino kasama ang mga anak na sina baby James at Josh. Sa kanyang K-text, ibinalita ng TV host-actress na sa first day nila roon, kumain sila sa isang Japanese resto at mas mura ang kanilang bill, kesa ‘pag kumain sila sa Japanese resto rito.

Ibinalita pang bumili siya ng sexy tops (on sale) at tiyak na mapapanood natin siyang suot ito sa Boy & Kris nila ni Boy Abunda. Ibinili rin nila ng cute outfits si baby James at dalawang sneakers si Josh at naloka siya’t size 12 na ang sapatos ng anak.

Inaabangan namin ang mga susunod niyang K-text at siguradong marami pa siyang kuwento sa kanilang Bangkok trip. Hindi pa nabanggit ni Kris kung kailan sila babalik ng ‘Pinas at tiyak namang dito at sa bago nilang bahay sila magnu-New Year.

Tama lang na ngayon nagbakasyon ang pamilya nina Kris at James, dahil sa January, magiging busy si Kris with her three regular shows. Bukod sa show nila ni Boy, magpi-premiere sa January 7, 2008 ang Patayin Sa Sindak si Barbara  at susunod sa Jan. 14 ang pilot ng bago niyang game show na Wheel of Fortune, kapalit ng Kapamilya Deal Or No Deal.

* * *

Nakinig kami sa interview kay Alfred Vargas after the press preview of Banal  at kung saan, nagpakita ng husay sa pag-arte ang actor. To be honest, sina Paolo Contis at Christopher de Leon lang ang ini-expect naming mag-i-standout sa kani-kanilang role, pero ginulat kami ni Alfred at masasabi naming, dito siya talagang nag-shine.

Bagay sa kanya ang bida-kontrabida role at sana, tumanggap pa siya ng mga ganitong role at ‘wag siyang matakot ma-typecast. Masaya ito’t hindi lang ang pelikula, ang ComGuild, at si direk Cesar Apolinario ang pinuri ng mga taga-CEB, pati na ang acting nilang tatlo. Ang habol na lang ng buong cast at mga producer, suportahan ng tao ang pelikula ‘pag nag-showing sa January 1, 2008.

Natawa kami sa sagot ni Alfred na “better time management at sana, ma-handle ko ng tama ang mga darating kong schedule” nang tanungin ng kanyang New Year’s resolution. Hindi ba’t isa sa rason ng break-up nila ni LJ Reyes ang kawalan niya ng time rito at kung kailan lang siya libre sa trabaho ay saka lang tatawag at dadalaw?

 

Show comments