Boobs ni Angel Locsin biglang lumaki

SEEN: Takaw-pansin ang malalaking pares ng dibdib ni Angel Locsin sa  print ad ng isang clothing company. Nakakapanibago ang size ng bumpers ni Angel. Napagdududahan na sumailalim siya sa breast augmentation  dahil hindi ganoon kalaki ang kanyang dibdib.

SCENE:  Takaw-pansin din ang kumapal na labi ng dating beauty queen na si Evangeline Pascual. Nagpaturok ba si Evangeline ng collagen para magkaroon siya ng full lips? Kung oo ang sagot, dapat ipaalam kay Evangeline na mas maganda siya noong wala pang ginagalaw sa kanyang mukha. Hindi bagay sa kanya ang magkaroon ng makapal na labi. Ipaubaya na niya kay Melanie Marquez ang pagkakaroon ng full lips.

SEEN: Nakita si Mark Gil na ipinapasyal sa Shangri-la Mall noong Huwebes nang hapon ang kanyang bunsong anak. Nagmukhang bata si Mark mula nang gumamit siya ng wig.

Naroroon din si Donita Rose at ang anak nito. Tumaba si Donita mula nang magkaroon ng anak. Sa Shangri-la Mall din namataan si Bea Alonso. Payat pa rin si Bea. Sinabi man niya na nagda-diet siya, mas marami ang nag-iisip na resulta ng liposuction ang kanyang pagpayat.

SCENE: Very Goldilocks ang cover ng January 2008 issue ng Starstudio Magazine. Ang mag-asawang Kris Aquino at James Yap ang cover ng magazine.Very Goldilocks dahil sa mga cake na hawak nina Kris at James.

SEEN:  Nakitang kumakain kahapon sa isang restaurant sa Shangri-la Mall si Paolo Contis at ang kanyang mga magulang. Doon din nakita sina Lolit Solis, Alfred Vargas , Mylene Dizon, Paolo Paraiso at ang kapatid nito na si Bubbles Paraiso. Napag-alaman ng PSG (Pilipino Star Gossip Group) na naroroon ang mga nasabing personalidad dahil ipinalabas sa Shangri-la Mall Cinema ang Banal.

SCENE: Magaling at kumpleto sa detalye ang coverage ng CNN sa pagpatay kay Benazir Bhutto, ang dating Prime Minister ng Pakistan na biktima ng assassination noong Huwebes. Dapat tularan ng mga local news network sa Pilipinas ang mahusay na presentation ng CNN sa pagbabalita.

Show comments