Kumusta ang Pasko n’yo? I’m sure, enjoy kayo dahil sa matagal na bakasyon.
Back to work ngayon ang lahat pero pinili ng iba na i-extend ang bakasyon nila hanggang New Year.
Bongga ang Pasko para kay Bong Revilla dahil win ng best float award ang Resiklo noong nagparada sa Roxas Boulevard ang lahat ng filmfest entries.
Kahapon nagbukas sa mga sinehan ang MMFF movies at ang sey ng isang nag-theater tour, pinipilahan ng mga bagets ang Resiklo.
True ang sinabi ni Bong na may puso ang pelikula niya at magugustuhan ito ng mga bata.
Kapag nagtuluy-tuloy ang success ng Resiklo, malamang na magkaroon ng victory celebration ang Imus Productions!
* * *
Natuwa ang mga artista na nagparada noong Lunes dahil maaga silang nakauwi.
Hindi katulad noong mga nagdaang taon na napakahaba ng ruta ng parada kaya parang mga gulay na nalanta ang mga artista.
Eh this year, nag-umpisa ang parada sa Mall of Asia complex hanggang sa Quirino Grandstand.
Maigsi ang ruta kaya hindi masyadong nabilad sa init ang mga artista.
* * *
Ang awards night ang pinaghahandaan ng MMFF committee.
Alam ko na ang mga magiging eksena sa awards night, mas marami ang mga kamag-anak ng mga pulitiko kesa mga artista.
Mga kamag-anak na magiging busy sa pagpalitrato sa mga artista at pagpapapirma ng autograph.
Beterana na ako sa mga awards night kaya gamay na gamay ko na ang mga mangyayaring eksena. Ako pa?
I-wish natin na credible at deserving ang mga mananalo sa gabi ng parangal para seryosohin at di maging katawa-tawa ang MMFF awards night noh?