Bakit ganun, walang masyadong feedback kahapon sa trending ng pelikulang kumikita sa taunang Metro Manila Film Festival?
Dati-rati naman, ang dami-daming nagti-text na mga PR ng pelikula or kung hindi man, mismong ang insider ng MMFF. Ngayon, ako na nga ang nagtawag, wala pang maayos na information ang maibigay.
Isang taga-The Block Cinema ang nakausap namin at talagang may instruction pala na bawal mag-release ng figure or estimated kita for the day.
Pero so far ayon sa girl na nakausap ko, grabe ang pila sa Enteng Kabisote, Sakal, Sakali, Saklolo at Resiklo.
Ganundin daw ang Shake Rattle and Roll.
Anyway, malamang request ng mga producer na manahimik muna sa kita ng mga pelikula dahil nagkakaroon agad ng resulta sa mga nagdaang taon na minsan ay hindi naman accurate kaya natatanim na sa isip ng marami na ‘yun nga ang kumita although may semblance of truth naman talaga minsan ang lumalabas na trending.
Pitong pelikula ang palabas simula kahapon - Enteng, Resiklo, Katas ng Saudi, Sakal, Sakali, Saklolo, Bahay Kubo, Shake Rattle and Roll and Anak Ng Kumander. (SVA)