Pagkamatay ng Nanay ni Yayo Exploited

SEEN: Cast member na ng Prinsesa ng Banyera si Ara Mina. Magkakaroon ng precedent ang pagtanggap ni Ara ng regular show sa ABS-CBN. Kung pinayagan si Ara ng GMA 7 na tanggapin ang alok ng ABS-CBN, kailangang payagan din ng Kapuso network na magtrabaho sa Kapamilya network ang kanilang mga talent na walang regular show.

Ipinakikita ni Ara sa lahat na “ she can enjoy the best of both worlds.” May regular program siya sa Channel 7, ang Bubble Gang at may afternoon show siya sa Channel 2, ang Prinsesa ng Banyera. Hanggang saan at hanggang kailan ito-tolerate ng GMA 7 ang pamamangka niya sa dalawang ilog? 

SCENE: Matigas ang ulo ng mag-asawang Jessica Rodriguez at David Bunevacz. Patuloy ang pagpapainterbyu nila sa mga showbiz talk show tungkol sa kanilang problema sa Beverly Hills 6750 habang tahimik lamang ang business partners na nagpatalsik sa kanila sa puwesto. 

Hindi simpleng kaso ang kinakaharap ng mag-asawa. Kailangan nila ng isang mahusay na abogado na puwedeng magsalita para sa kanila. Isang abogado na maraming alam tungkol sa batas.

Panay ang hingi nila ng tulong sa mga miyembro ng media. Bakit sila tutulungan ng media na walang kinalaman sa problema nila?

Tuloy ang buhay sa Beverly Hills 6750. Naroroon pa rin ang mga empleyado at doktor na kinuha ng mag-asawa para itatag ang klinika.

Maliban sa pagkawala nila, walang nabago sa Beverly Hills, a sad fact for Jessica and David dahil masakit ang katotohanan na patuloy at normal ang operation ng klinika, without them.

SEEN: Masyadong na-exploit ng Pinoy Big Brother ang pagkamatay ng ina ni Yayo Aguila. Isang real-life drama ang napanood ng televiewers noong Miyerkules ng gabi. Ipinakita ang paghagulgol ni Yayo sa harap ng bangkay ng kanyang ina. Masyadong ginamit ang eksena. Nasaan ang paggalang ng PBB staff sa personal na pagdadalamhati ng isang nawalan ng mahal sa buhay?

SCENE:  Tuloy-tuloy ang circus sa mundo ng telebisyon. Idinemanda ng ABS-CBN ang AGB-Nielsen survey firm. Idedemanda ng libel ng GMA 7 ang ABS-CBN. Naghihintay ng paliwanag ang taumbayan tungkol sa practice video ni Willie Revillame sa Wilyonaryo na malapit nang panghimasukan ng senado. 

Nakikisimpatiya ang Seen/Scene sa Corporate PR Department ng ABS-CBN dahil nasa kanila ang burden ng mga malalaking problema ng network. Malapit na ang Pasko ngunit wala silang pahinga.

Show comments