Actor Allen Dizon has gone one step further by becoming a movie producer. Siya ang producer ng ginagawa naming movie ni Mareng Gloria Romero, ang Crossroads na nagtatampok din kina Jay Manalo, Snooky Serna, Angelu de Leon, Krista Ranillo, Joseph Bitangcol, Kirby de Jesus sa direksyon ni Joven Tan, isa ring entertainment journalist bago naging direktor.
Bago ang pelikula ay nakapag-prodyus din si Allen, sa pamamagitan ng kanyang ATD Entertainment Productions ng dalawang stage plays, ang Hipo ni Soxie Topacio at Private Parts ni Elwood Perez. Itinanghal ito pareho sa Music Museum.
Nakatutuwang kahit shaky ang industriya ng pelikula ay nag-decide mag-prodyus si Allen. Hindi rin niya tinitipid ang produksyon kahit ito ay isang Indie film. Katunayan, mayroon itong 15 shooting days at nakaka-sampu na ito. Mahigit na ring P1M na ang nagagastos niya.
“Hindi ako after the budget, hindi lang naman ito tungkol sa pera, gusto ko lang makagawa ng isang magandang pelikula,” sabi ng award winning hunk na umaming sexy din ang Crossroads, “Pero, mas drama ito,” dagdag pa niya.
Ang nakatutuwa kay Allen ay matagumpay na siyang negosyante, maunlad ang kanyang car trading business. Hindi rin masasabi na kaya siya nag-prodyus ay para sa sarili niyang kapakanan.
Magkakaroon siya ng regular TV show sa kabila at may mga pelikula na siyang gagawin sa 2008.
* * *
Marami na rin pala ang dumidiskubre ng mga bagong artista.
Isa ring movie reporter si Richard Hiñola bago siya naging isang talent scout, talent manager at ngayon ay may sarili nang RDH Entertainment & Marketing Specialist.
Mga bata ang hinahanap at sinasanay ng kumpanya ni Richard ( 4-6 & 7-10 year olds) para maging modelo. Nakakaanim na taon na siya sa isinasagawa niyang Kiddie Model Philippines 2007 Search. Gaganapin ang finals nito sa Disyembre 16, 2:00 NH,sa The Pearl Manila Hotel.
Magsisilbing host si JC Baron ng Dream 106 FM. Maaring tumawag sa 09185835083/09198107866.