Aktor na may malalang sakit sa bansa magpapagamot

Tatlong taon nang namamayapa ang Hari ng Aksyon sa industriya ng pelikulang Pilipino pero hanggang ngayon nadarama pa rin ang pagmamahal ni Fernando Poe, Jr. sa industriyang kanyang inulila.

Ngayong Linggo, 9:00 NG, mapapanood ang isang ispesyal na palabas na ginawa ng ABS-CBN na pagbabalik tanaw  ng kanyang pamilya, mga kaibigan at mga kasama­han sa industriya. May mga celebrity na magsa­sabi kung paano isinala­rawan ni Da King ang katotohanan sa buhay ng karaniwang tao.

Magsisilbing highlight ng palabas ang isang video presentation na si FPJ mismo ang bumuo hanggang sa kahuli-hulihan niyang araw. Ang video na nagtataglay ng mga mahahalagang eksena sa kanyang pelikula ay regalo sana niya sa kanyang mga kaibigan at naging leading ladies.

Ang special ay pinangunahan ni Ms. Charo Santos Concio. Magsasaad naman ng kani-kanilang kuwento tungkol kay FPJ sina Dolphy, Eddie Garcia Maricel Soriano, Phillip Salvador, Edgar Mortiz, Caridad Sanchez, Jaime Fabregas, dating pa­ngu­long Joseph Estrada, Vilma Santos, Christopher de Leon, asawang si Susan Roces, anak na si Grace Poe, pamangkin na si Jeff Sonora, Oscar Orbos, Boots Anson Roa, Randy David, Eddie Romero at Ricky Lo.

* * *

Magkakaroon ng 1st solo exhibit ang Bulakeño artist na si Joel “Welbart” Bartolome simula sa Disyembre 16 sa art center ng SM Megamall. Ang exhibit na pinamagatang In My Place ay tatagal ng dalawang linggo.

Si G. Bartolome ay nagsimulang lumahok sa mga exhibit simula pa nung 2000. Honorable mention siya sa Mixed Media Category sa 58th Arts Association of the Philippines Art Competition at semi-finalist sa Metrobank Art and Design Excellence 2004, 2005 at 2006.

Para sa ibang detalye, tumawag sa Passion Arts Gallery (Ms. Carmen), 6342422.

* * *

Magsasama-sama ang mga choir at Kapuso stars  sa palabas ng GMA na Sing For Me ngayong Linggo, Disyembre 9, 5:30 NH, sa Marikina Sports Complex. Mapapanood ang kabuuan nito sa TV sa Disyembre 16 sa isang telethon na ang kikitain ay ihahandog sa Kapuso Foundation at DSWD para sa Bahay Pagasa, tuluyan ng mga disadvantaged children.

Tiyak na malalagay ang affair na ito sa Guinness Book of Records dahil ito ang pinaka-malaking community singing sa bansa.

* * *

Mukhang nakapag-inspire pa si Patrick Garcia sa ginawang niyang pagsalang sa lie detector test sa Showbiz Central dahil madali nang makapangum­bida ang SC ng mga artista para sa segment na ito.

Tulad ni Paolo Contis na pumayag ding malagay sa hot seat ngayong hapon. Kayanin kaya niya ang killer question?

Isang aktor din ang magbabalik-Pinas para dito ipagamot ang lumalala nga ba niyang sakit sa buto?

Isang actor/comedian naman ang hindi na raw makabangon sa kanyang mga pagkakautang.

Walang hindi mabubunyag sa hard hitting news and hard core showbiz ng Showbiz Central, ngayong hapon sa GMA 7.

* * *

veronicasamio@ yahoo.com

Show comments