^

PSN Showbiz

‘Pareho naming alam ang totoo ni Mr. Revilla’- Edu

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Dapat sana’y magtatagal pa sa kanyang pagbiyahe sa China si OMB Chairman Edu Manzano, pero kinailangan niyang bumalik agad, dahil sa kontrobersiyang namagitan sa kanila ni Senador Bong Revilla.

Sa Xavier School nag-aaral ang kanyang bunsong anak na si Enzo, pero binigyan ito ng oportunidad na makapag-aral sa China, personal na nagpunta dun ang actor-TV host para dumalo sa graduation ng kanyang anak.

Kuwento ni Edu, “Bitin ang bonding namin ng anak ko, kailangan ko kasing bumalik agad, napaluha ako nung mag-speech ang anak ko in pure Mandarin. Ang galing-galing na niyang magsalita, I’m so proud of my son,” papuri pa ni Edu sa anak niya.

Pero sa kabila ng kanyang pagkukuwento ay mahahalata ang kalungkutan sa kanyang mga mata, bigay na bigay ang dahilan nun, walang taong may gustong may kalaban siya.

Ikinalulungkot ni Chairman Manzano ang mga nangyayari sa kanila ngayon ni Senator Bong Revilla, pero ayon sa kanya ay hindi niya naman maaaring palampasin na lang ang mga sinasabi nito laban sa kanya, dahil baka kahit ang kanyang mga anak ay hindi na siya irespeto.

“Masyado lang akong nasaktan sa mga sinasabi niyang pangmamaliit sa akin. Ayoko rin ng nangyayaring pagbabaligtad sa mga kuwento, kung ako ang mali, it’s so easy for me to say sorry.

“Pero pareho naman naming alam ang totoo, hindi pa kami matandang pareho, kaya natatandaan pa naming dalawa kung ano ang totoo,” madiing pahayag ni Chairman Manzano nung dumalaw siya sa Showbiz Mismo sa DZMM, Biyernes nang hapon.

Nung Huwebes nang gabi ay tinawagan na pala siya ni Senador Jinggoy Estrada, ceasefire ang pakiusap nito sa kanya, magkasundo na raw sana sila ni Senador Bong.

“Sabi ko para sa kanya, dahil may respeto ako sa kanya, hindi na ako magsasalita, but this morning, marami na naman siyang sinabi, meron din siyang mga taong pinagsasalita para sa kanya.

“Sinabi pa ni Mr. Revilla na hindi raw siya tinuruang magsinungaling ng kanyang ama. Pati yun, binanggit pa niya. Ang aking ama naman ay namatay na mahirap pero may prinsipyo,” makahulugang sabi pa ni Chairman Edu.

* * *

Lumalim na nang lumalim ang isyu, kung matatandaan ay sinabi ni Senator Bong na limampu hanggang pitumpung armadong pulis ang makakasama nila sa raid sa Quiapo kung matuloy yun, napatunayan ni Chairman Manzano na walang katotohanan yun.

Dokumento ang kanyang patotoo, nagmula mismo sa tanggapan ng PNP ang mga hawak niyang papeles, tatlong departamento ng kapulisan ang pinanggalingan ng mga hawak niyang dokumento.

“We found out na 26 na pulis lang pala ang makakasama namin kung sakali, hindi totoo na 70, kaya paano namin lulusubin ang isang lugar na kasinglaki ng Quiapo kung under men kami?

“Wala pa kaming hawak na search warrant, hindi na raw kailangan yun, hindi ako pumayag dahil ang gusto ko, maging legal ang lahat ng hakbang na gagawin namin.

“Night Ruins sa BF Homes ang pinag-usapan naming pupuntahan ng OMB, then after that, ang Makati Cinema Square naman, wala kaming pinag-usapang Quiapo.

“Pero ang pinalalabas pa yata nitong si Mr. Revilla, parang patong ako ng mga pirata sa Quiapo, kaya ayokong puntahan namin ang lugar na yun na totoong pinagkukutaan ng malalaking pirata.

“Pinasok na namin noon ang Quiapo, in fairness to our Muslim brothers, nandun ang mga threats, pero nakakilos kami nang maayos. Yun ang punta ko, paano kami papasok sa isang lugar na hindi nakaplano ang gagawin naming pagkilos?

“Ayokong ilagay sa alanganin ang buhay ng mga tauhan ko, gusto kong nakaplano ang lahat, para hindi naman sila mapahamak,” katwiran pa rin ni Chairman Edu Manzano.

Nung magpunta raw siya sa Senado nung nakaraang Lunes ay ikinagulat niya ang sinabi sa kanya ni Senator Bong, “Puwede ba akong sumama sa operation n’yo? Tamang-tama, MMFF, makikita tayong dalawa na magkasama, maganda yun!”

“Nung matapos ang raid sa Makati Cinema Square, ipinababa niya ang mga nakumpiskang piniratang materials. Nagpa-picture taking siya dun, photo opp pala ang gusto niya.

“Kahit dun sa sinasabi niyang paglusob namin sa Quiapo, kakaunti lang ang armed men sa sinasabi niya, mas maraming photographers,” makahulugan uling pahayag ng tagapamuno ng OMB.

CHAIRMAN EDU MANZANO

CHAIRMAN MANZANO

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with