Nahuling umuuwi sa bahay ni Dennis, Cristine at Dennis naglilive-in na!?
You may find this unbelievable, but it’s true, unbelievable true.
Around this time last year nu’ng dumausdos daw si AiAi delas Alas sa pananalapi at kinailangan pa niyang tipunin ang mga barya mula sa mga binutas na alkansya para may maipambili lang daw ng LPG.
Pero huwag ka, nakatayo na
‘Yun daw ‘yong time that she was jobless in ABS-CBN, nagkataon pang hinuhulug-hulugan niya ang kanyang bahay kung saan hindi niya alam kung saang kamay ng Diyos kukunin ang monthly amortization. “But thank God, sa awa Niya, nalampasan ko ‘yon,” sabi niya.
Why AiAi was able to pull through was by God’s grace. Take it from her manner of praying. “Kasi pag humingi ako, ini-specify ko na sa Kanya kung magkano ang gusto ko. Kunwari, ‘Lord, bigyan mo naman ako ng one million,” o di kaya inuunahan ko na Siya, ‘Lord, alam ko bibigyan mo ‘ko ng isang milyong piso.’ Hayun, ibinigay nga Niya.’
Since then assignments started coming in, that included commercial endorsements, concerts abroad, among others.
Less than a year later, heto na si Ai Ai who’s assured of regular shows and movies by her mother studio until 2008. On the side, her Ai Sarap—which already has three branches, the newest and the biggest of which led its (unannounced) grand opening last Saturday is located near the PBB House.
Ito na rin ang nagsilbing venue ng small presscon ni AiAi for the press, bale pa-Christmas party na rin niya with her usual display of generosity.
* * *
Makahulugan ang sagot ni Dennis Trillo sa tanong kung balak niyang balikan si Cristine Reyes samantalang pahinga raw muna si Cristine sa lovelife.
But to fish for an answer from Dennis as well as to get a reaction from Cristine—to begin with—lacked ‘political correctness.’ ‘Yun ay kung paniniwalaan ang rebelasyon ng isang make-up artist ng isang programa sa GMA 7 na nakakita raw kay Cristine, isang madaling araw, na kumakatok sa condo unit ni Dennis.
“Actually, nagkagulatan pa kami nu’ng magkita kami sa condo. Dis oras na ‘yon, since kilala naman niya ‘ko, ang tanong niya agad, ‘Tagarito ka rin?’ Tumango ako. Kahit madilim, kitang-kita ko na nag-blush si Cristine. Siguro, hindi niya akalain na ako pa na nakakakilala sa kanya ang makakakita sa kanya. Eh, pareho pa kaming taga-Siyete. Kaya ‘yung sinasabi nilang dalawa ni Dennis na split na raw sila, I doubt. Meron bang nag-split na ganun, eh, gusto ko tuloy isipin na nagli-live in na sila, at du’n mismo sa unit ni Dennis,” kuwento ng make-up artist sa aking source.
That begin so, kung totoo man, politically incorrect ngang tanungin si Dennis if he intends to win back Cristine. In the first place, they never called it quits.
- Latest