ABS-CBN talent maganda ang exposure sa GMA film

Isang napaka-gandang oportunidad ang naka­mit ng ABS-CBN talent na si Joem Bascon sa isang pelikula na kino-prodyus ng GMA Films sa Ignite Media, Inc. na pinamagatang Batanes.

Isa si Joem sa dalawang bida at kapareha ni Iza Calzado sa movie na dinirek nina Dave Hukom at Adolf Alix, Jr. Ang isa pa ay ang ang Asian heartthrob na si Ken Chu ng pamosong grupong F4.

Namatay nga lamang si Joem sa kalahatian ng movie kung kaya pumasok ang character ng Taiwa­nese actor na kasama ni Iza ay pormal na inampon na ng Batanes.

 Nakakalimang balik na si Ken sa bansa, dahilan para maging relax na siya sa piling ng mga Pinoy.

Ang Batanes ay hindi isang travelogue kahit pa nagpapakita ito ng kagandahan ng lugar. Ito ay isang love story ng dalawang tao na may magkaibang lahi at namulaklak sa isang napaka-gandang lugar.

 Bahagi rin ng pelikula sina Daria Ramirez, Bembol Roco, Coco Martin, Mike Tan, Glaiza de Castro at marami pang iba.

* * *

Balik-entablado si Lance Raymundo bilang Romeo sa pinakasikat na love story ng kasaysayan - ang Romeo and Juliet ni William Shakespeare.

Actually, minsan na niyang ginampanan ang role na ito opposite Adriana Agcaoili (as Juliet) almost six years ago at mainit naman ang naging pagtang­gap sa kanya ng audience. Naging kontrobersyal pa nga ang kanyang pagga­nap dahil during the play ay muntik nang malaglag ang kanyang suot na pants. Pero naging memorable ang theater experience na yun para kay Lance kaya naman tuwang-tuwa siya ngayon at ibinalik ng Gantimpala Theater Foundation ang naturang stage play at siya uli ang gaganap na Romeo.

This time ay ibang Juliet na ang kapareha niya - si Monica Llamas who is a commercial model and a stage actress. Ang Romeo and Juliet bale ang Pearl Anniversary offering ng Gantimpala Theater Foundation.

 Itong December 7 na magsisimula ang run ng Romeo and Juliet sa AFP Theater. Every weekend ito from December to January. Sa February 14 ay may special run sila sa Teatrino Greenhills.

* * *

Isang napaka-sayang Christmas party ang hinost ng ABS CBN para sa press nung Martes ng gabi. Bagaman at talagang mahirap ang panahon at ang dating mga mamahalin at maraming appliances na ipinamimigay ay nabawasan na ng higit sa kalahati, ang saya naman ay parang na-triple

 Sa pamumuno ni G. Bong Osorio, nagawa niyang maging maganda ang re­las­yon ng kanyang departamento at ng media na naging bentahe sa pinag­lilingkuran niyang network.

 Sa kanilang lahat (Mr. Bong, Lorelie, Kane Cris, Kathy, Ronald at iba pang kasamahan) na nag-effort para mabigyan ang media ng isang masayang pagdiriwang ng Pasko, maraming salamat.

* * *

veronicasamio@yahoo.com

Show comments