^

PSN Showbiz

Komedyante nasulsulan

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Boluntaryong lumabas si Ethel Booba sa Bahay ni Kuya. Ang katwiran ng komedyana nung maging panauhin siya sa The Buzz, naisip lang daw niya na kung siya man ang manalo nang isang milyong piso bilang Big Winner ay baka mauwi lang yun sa pagpaparetoke niya ng katawan, dahil sa dami ng mga pisikal na task na ipinagawa sa kanila ni kuya sa PBB house.

“Matagal ko nang sinasabi kay kuya na gusto ko nang lumabas, actually, yung mga pinaggagawa ko, sinasadya ko na talaga yun para mainis siya sa akin, e!

“Hindi n’yo napanood ang ibang mga ginagawa ko dahil ine-edit na, pero talagang pasaway na ako, dahil gusto ko na ngang lumabas. Nakakaburyong sa loob, hindi yun ang buhay ko, maloloka ako dun kung mag-i-stay pa ako,” kuwento ni Ethel nung magkakakwentuhan na kami nina Boy Abunda at Jobert Sucaldito offcam.

Yung paglalaslas niya ng pulso, totoo ba yun, marami kaming nag-aalala nung ipakita siyang maglalaslas na ng pulso.

“Charing lang yun! Makakalaslas ba naman yung napakaliit na blade na yun? Baka siya pa ang maduguan at hindi ako dahil sa kaliitan niya! Ginagawa ko na lang talaga yun para makalabas na ako!

“Hindi yun ang buhay ko, hindi ako para dun, nagkasubuan na lang talaga kaya ako pumasok dun!” pakomedya pa niyang sabi.

Ang boyfriend niyang si Janvier Daily ang sinasabing dahilan ng kanyang kalungkutan sa PBB house, miss na miss na raw kasi niya ito, pero napakasakit ng nangyari dahil nung lumabas siya ay sarado na ang puso ng lalaki para sa kanya.

Ayon kay Janvier ay ayaw na raw nitong ituloy pa ang pakikipagrelasyon kay Ethel dahil sa ugali niyang pasaway, masakit yun para sa komedyana, pero wala siyang magawa.

“Siya kasi ang unang lalaking tumanggap sa akin mula nung matapos kami ni Alex Crisano, mahal ko pa rin siya siyempre, pero kailangan pa muna naming mag-usap.

“I’m sure, naapektuhan siya dun sa mga lumabas niyang nude photos sa internet. Gusto ko lang sabihin na wala akong kinalaman dun, naging biktima rin ako ng ganun, kaya alam ko kung ano ang pakiramdam ng ganun,” pag-amin ni Ethel Booba sa kinasangkutan niyang video scandal na napakatagal na panahon niyang idinenay.

* * *

Nung November 21 ay ipinanganak na ni Love Joy ang pangalawa nilang anak ni Franzen Fajardo, si Ryzen Carl, sa isang ospital sa Kalinga kung saan naninirahan ang pamilya ng babae.

Ito ang batang naging kuwestiyonable noon para kay Franzen kung anak ba niya o hindi, meron yatang nanulsol sa komedyante na may ibang lalaki si Love Joy, kaya nakinig naman siya sa mga bulong.

Nakapanghihinayang ang ginawang pakikipag­laban sa kanilang relasyon ng mag-asawa, nung walang-wala pa si Franzen ay buong-buo ang kanilang pagsasama, pero nung makilala na ang komedyante ay nauwi sa wala ang kanilang relasyon.

Biglang dumami ang amuyong sa paligid ni Franzen, siniraan si Love Joy, dahil siguro sa pag-aakalang magiging superstar ang komedyante at gusto ng mga taong yun na mawala sa kanyang buhay ang babae.

Napakasakit ng iyak ni Love Joy nung umuwi na silang mag-ina sa Kalinga, dalawang-kamay itong tanggap ng kanyang pamilya, dun na rin nag-aaral ngayon ang panganay nilang si Ranz.

Malungkot man ito ay tuloy ang buhay ni Love Joy sa probinsiya, pero kumustahan naman natin ngayon kung ano ang takbo ng career ni Franzen, humihinga pa ba?

 Mukhang life support system na lang ang nagpapatakbo sa kanyang sisinghap-singhap na career ngayon, bihirang-bihira na siyang magkaroon ng proyekto, dahil sa kanyang unprofessionalism.

Dumarating siya nang late, hindi pa nakahanda sa kanyang mga gagawin, kaya paulit-ulit ang kanyang mga eksena. Halatang-halata tuloy na si Love Joy ang malakas na hangin sa kanyang pakpak noon, pero ito pa ang kanyang binalewala, nagpadala siya sa mga sulsol sa kanyang paligid.

Kasabihan na nating mga Pinoy, nasa una ang sarap at nasa huli naman ang pagsisisi.

vuukle comment

FRANZEN

KANYANG

LOVE JOY

NUNG

SIYA

YUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with